Thursday, April 2, 2009

Bansa Mo, Bansa KO?

Recently lang po ay may mga tao akong nakakausap na nasa ibang bansa, at kahit alam kong tumatawa sila ay malungkot sila deep inside. UU nga malaki ang kita nila dahil yung iba dollars pero sapat ba iyon? Ano ba ang Advantage at Disadvantage ng mga nakatira sa ibang bansa? Well ito po para sa akin....

ADVANTAGE:





1. Syempre malaki ang sweldo mo. Kahit papaano ay nakakaipon ka. Aba kahit ata part time lang ang sweldo ay mas malaki pa rin ang sahod ng mga nakatira sa ibang bansa.

2. Lahat halos ng gusto mo kainin ay pwede dahil abot kamay mo ang mga ito. Andyan ang mag Pizza ka araw araw, kumain ka sa American, Chinese, Japanese, Vietnamese, Tawanese, Restaurant. Madali lang yan samantalang nung nasa Pilipinas ka Sobra ka kung makaamoy ng ulam ba kasi PANESE na.

3. Pwede ka rin makabili ng mga gusto mo kasi nga di ba malaki ang sweldo. Kahit ano, cellphone, MP3 ,MP4, MP5 to MP1000. IPOD, IPHONE , Digicam, lahat pwede basta gusto mo.

4. Kung maayos ang trabaho mo ay madali ka makakabili ng sasakyan. Madali naman kasing umutang sa Bangko. Hindi tulad sa Pilipinas na kahit ata Kuba ka na ka ta trabaho , lahat na ng pwedeng "Raket" napasok mo, ay kulang pang sa laki ng mga gastos. AMF..

5 Syempre madami kang nakikita dahil ibang bansa yun. Maraming magagandang pasyalan. Masarap dahil yung naka lakihan mo sa Pilipinas ay nabago.

6. All in all ay PERA. PERA naman ang dahilan kung bakit umaalis ang isang tao sa ating bansa. Hayz. Buti sana kung kasama mo ang pamilya mo para at least bawas homesick di ba? At syempre kung may choice lang yung ibang mga tao na wag nang umalis ng Pilipinas malamang sa malamang ay HINDI na aalis di ba? Kaya sana ay dumating yung time na hindi na kailangang umalis ng bansa para lang kumita ng malaking pera . ( POSIBLE kaya yun)...

AT ito naman ang Disadvantage ng mga nasa Ibang Bansa. Pumili lang po ako ng Ilan kasi sobrang dami. Hehehe.

DISADVANTAGE:





1. HOMESICK- Kailangan pa bang I Memorize to? Ito ang unang kalaban ng mga nasa ibang bansa. Minsan ang nagiging defense mechanism ng mga taong na ho homesick ay bumibili sila ng mga bagay na mag papasaya sa kanila, kagay ng mga material na bagay. ( SAPAT ba ito)

2. KAIBIGAN- Syempre start ka ulit ng bagong pag hahanap ng kaibigan. Mabuti nga ngayon may Friendster, Facebook, Multiply at kung ano ano na kaya kahit papaano ay madali nating ma contact ang ating mga Mahal sa buhay at kaibigan. Andyan ang YM, SKYPE, CHIKA Messenger at iba pa. Pero malaking adjustment ang maghanap ng TUNAY na kaibigan. ( KAYA MO YAN)

3. KLIMA- Kasi sanay tayo sa mainit na lugar. Yung iba nasa malalamig di ba? Meron pa ngang may snow kaya mejo Super Adjust ang mga bago sa Ibang Bansa. Pero pag tagal kaya na din yan. ( Jacket lang Katapat nyan)

4. PAG UWI SA PILIPINAS- Naku po ito ang "Big Deal". Oras na uuwi ka na sa Pilipinas hayz asahan mo pati pinsan ng pinsan ng tito ng kapit bahay mo alam ang pag uwi mo. Meron pa nga na kamag-anak mo daw na doon mo lang makikita after Gazillion Years. Syempre mahihiya ka kaya Alam mo na kung ano kasunod. Lahat ng kaibigan mo sigaw ay "Blow out" Hindi nila alam ang hirap din ng buhay sa Ibang bansa, akala nila nag papala ka ng pera tsk tsk.

5. AWAY NA ITO- Once na may hindi ka napag bigyan na kahit na sino GULO na sigurado. May maririnig ka na lang na "Nakarating lang sa Ibang Bansa Nag iba na" , " Akala mo kung sino, Kanya na ang pera niya" at " NApakadamot naman nito Hindi naman ganyan dati yan".. OOOOPSSS. Dapat intindihin mo na lang. Para walang gulo. ( COOL KA lang)

6. Sobrang nakakaMIss ang mga tao, lugar sa PILIPINAS. Dati hindi mo ma appreciate ang maliliit na bagay pero bigla mo na alng ito maiisip. Ma mimiss mo pati yung mga simpleng lugar lang palengke, tindahan malapit sa inyo, kapitbahay mo na may utang sayo, yung mga nag iinuman sa labas, mga tambay, yung kwentuhan nyo sa mga gilid gilid. Pag kain ng Goto, Ihaw ihaw, Bibingka pag pasko, mga nangangaroling na dati pinag papatayan mo pa ng ilaw, lahat ng simpleng bagay sa Pilipinas na mi miss mo. Kaya yung iba sinasabi pag nakauwi ako sa Pilipinas pagtapak ng paa ko sa Lupa baka mahalikan ko pa. ( aw tsk tsk).

Wala naman talagang tatalo sa Bansa natin. Pilipinas eh Da best yan. Kaya sana yung mga taong wala sa dito ay pag nakabalik po tayo ay medyo mahalin natin, Kasi yung Ibang PILIPINO nag kaka DISIPLINA lang pag nasa ibang Bansa. Kung dati yung simpleng pag tatapon ng balat ng kendi dito kahit saan tatapon mo, pero pag nasa ibang bansa sobrang sunod tayo sa mga rules.

( PAKITANG TAO LANG BA IYON? Kung sa ibang Bansa kaya nating gawin Bakit Hindi dito Sa sariling Bayan natin?)

Nakakatuwa na kung kelan wala na sa atin tsaka lang natin maiisip ang halaga. Kaya sa mga nasa ibang bansa po sana makadalaw kayo dito at maramdaman ninyo kung gaano kainiit ( Hindi iyong Araw ha) kundi kung gaano kasarap ang pakiramdam pag nasa sarili mong Bansa.

2 comments:

  1. *PILIPINAS*

    ano bang naiisip mo pag naririnig mo ang bansang iyan* . . .

    ReplyDelete
  2. Walang disadvantage dito sa Pilipinas. Kung marunong ka sa buhay, masipag, at may tiwala sa sarili. Mag eenjoy ka dito sa Pilipinas. Marami mang problema, dapat tumulong ka in your own way hndiyung sa sasali ka para dumagdag sa mga pabigat na pasanin ng bansa. Kelangan lang natin na mabuhay ng mapayapa at kayang gawin ang nararapat sa ating mga sarili.

    See the amazing all season destination Thunderbird Resorts and Casino

    ReplyDelete