( lalo na yung kagaya kong di naman mayaman Hayz), dahil bukod sa mura na ( mura pa ba?) ay masarap talaga.
PAUNAWA! Hindi ko po kayo niyayaya na kumain ng mga street foods dahil pwede kang mag karoon ng ibat ibang klaseng sakit lalo na kung sobra ang pagkain mo, kaya suriing mabuti ang mga ito.
Mayroon tayong ibat ibang klaseng street foods. ano ano ito sa # 1 spot ay ang:
#1 Fishball - Ito na yata ang all time #1 dahil bukod sa mura
( still .50 cents) ang bawat isa ay madalas pang makikita sa mga kalsada na tulak tulak o kadalasan ay naka sidecar ( Pang tamad or di kaya ay medyo may edad na kasi si kuya :p ) . Sarap kumain nito lalo na pag sumawsaw ka dun sa sawsawan. Kahit alam mong pang 2,549 na ikaw sa mga sumawsaw doon Ok lang.
- Chickenball- Kasama na ito sa fishball kasi madalas nakahalo ito sa kawali ni kuya. Mabili din ito kahit pa 2 pesos and isa. Mapapansing mas malaki ito dahil mahal nga pero pag natanggal na sa kawali ay liliit din dahil wlang nag hangin. Hayz.
- Squidball- Wow sarap din nito 2 pesos din ang isa hindi gaanong maalat di kagaya ng chickenballs ( nanira pa oh).
- Kikiam- One of my personal favorite ( awst wala akong kinikilingan ha) piso isa nito yung maliliit ha, kasi may tatay ito yung malaki 2 pesos ang isa. Masarap ito lalo na sawsaw mo sa maanghang. ( wag mo lang kagatin ng mainit pa ( Ouch, siguro 10 times na nangyari sa akin yun ang Iniiiiit. (Di na ako natuto hayz).
Nasa # 2 naman ang wlang kamatayang mga Ihaw- Ihaw.
#2 Ihaw-Ihaw - Siguro naman alam nyo ito dahil kahit sa bundok ay uso din ito. ( para sa mga nakatira sa Mars ito yung " ngit ngot krakk protok pekitik ngat ngot qwert tsuk" , salita po yan sa Mars) May iibat ibang klaseng ihaw ihaw :
Top List ay ISAW- ( Nag Laway ako dun ah) Manok yung parang mga (mawalang galang na sa mga kumakain ito yung parang "bulateng maliliit" ( suka mode ako) yun. parang mga pa letter "S" yun. range of price is 2 Pesos - 3Pesos.
Isaw ng BABOY- Ito sarap nito, Bilog bilog ito na hinati hati na kasi sa isang stick ay 3 hanggang 4 na piraso. Masarap sa sukang may sili. 3 pesos to 4 pesos ang range sa mga ganid na tindera 5 pesos.
Addidas- nung una ko itong marinig 7 yrs ago bata pa ako nun akala ko po talga sapatos ( sensya na tanga lang cute naman) Addidas sosyal pakingan pero PAA lang ng Manok. Sinubukan kong kumain nito ang pero maniwala kayo kahit siguro maka 20 piraso ako hindi ako mabubusog dahil puro balat lang at konting konting laman as in! ang makakain mo. 3 pesos ang isa.
Betamax- Betamax? paano kaya kung ngaun lang ito nauso baka ang tawag d2 ay "DVD" o kaya naman ay "Ipod" DUGO ng manok. nakatikim na dina ko nito ok, masarap para kang kumakain ng pulburong basa. ( mawalang galang sa mga kapatid ko sa Iglesia bawal kasi ito sa kanila). Kalimitan ko itong nakikitang kinakain ng bata dahil siguro wlang buto, hindi makunat, malambot at madaling lunukin. Paborito din ng mga Senior Citizen dahil di na kailangang nguyain sa mga bagang na lang ang natitira. Lunok na alng ng lunok. 3 pesos per piraso.
ULO- Yup ulo ng Manok. Sa totoo lang di pa ako nakakakain nito as in hindi pa. Di ko mai-magine na kagatin yung ulo awts. May tuka pa yun tapos di ba may Skull din yun. ( Kaya nga hindi ako nakain ng Balot dahil may Sisiw, tapos may tuka yun awst. Ulo pa kaya ng Nanay ng sisiw ang kainin ko kamusta naman ako nun? ) Ewan ko kung anong lasa nito. Pero ayoko talaga bahala kayo hehehe. medyo mahal ito 8 pesos ang isa.
Balat- Ito pwede pa. Iwas lang po sa matataas ang dugo dahil balat ng BABOY ito. Masarap pag tustado dahil medyo crunchy wow. BABALA: Wag lumampas sa 5 stick nito dahil makakaramdam ng pag kahilo, sasakit ang batok at aantukin. Ang dahilan "Sobrang Katakawan". 3 pesos to 4 pesos bawat isa.
Bulaklak- Oh my Gas! Ang sarap nito kaya lang medyo may kamahalan sa 7 pesos to 8 pesos ang bawat isa. Pero sulit naman ito dahil parang kang bubuyog na sisimsim ang bulaklak sa kasarapan. Siguraduhin mo lang na lutong luto ang loob dahil kadalasan ay hindi luto ito. Ang lansa nito pag hindi luto wapak!
Hotdog- Number 1 sa mga bata. Lalo na kung Juicy dahil magiging bibbo sila. Masarap sa tinapay na may Ketsup at Mayonaise. Yung ibang tindera hahaluan ng ketsup at konting mayo, tapos tubig atws. tinipid? sa hirap nga naman ng buhay. 10 pesos ito 12 pesos kung may tinapay. Sa mga Mall 25 pesos ito at 30 pesos pag may tinapay pero sawa ka sa Mayonaise at may mustard pa.
LAst but not the List ay ang BBQ- Ito ang pinaka Sosyal at pedeng pang mayaman na ihaw-ihaw. Dahil gawa ito sa karne. Masarap lalo na kung magdamag binabad sa toyo at sprite. Medyo mahal po ito ang range ay 12 pesos to 15 pesos.
Itong susunod ay hindi ko po alam ang tawag? Yung mga naka sidecar na may timba tapos piniprito yung parang laman at taba ng baboy. (Napag kamalan ko nga sila dating nag titinda ng timba, tabo at batsa amf! ) Kulay "Orange" ito, tapos ang kasama nito ay BAGA ng baka po yata. Masarap pareho ito. Yung laman na kulay orange ay 3 pesos at yung baga na kulay black ay 2 pesos. Bihira po ito mamamataan lang sila sa mga gilid ng palengke, simbahan, at talipapa.
Kwek2X- The Famous Before? KAsi noong unang lumabas ito ay talga naman sobrang Sikat. Halos lahat ay ito ang bukambibig. Itlog na binalot sa arena. Personally masarap ito pero ayoko na munag kumain nito dahil pag nakikita ko nauuta ako hehehe. May maliit nito yung itlog ng Pugo. Iba pang tawag ay Tokneneng sa maliit na itlog at sa malaki ay Toknanay sa malaki. Yung Toknene ay 2 pesos ang isa at yung Toknanay ay 6 pesos.
Calamares- Ito yung breaded pusit na sobrang sumikat din. Halos magkaubusan nga ng tinda dahil talgang kinagat ng masa. Nakita ko nga yung isa si Kuya, vendor ng fishball naging vendor na ng pusit. Mas mabili daw at mas malaki ang kita. 3 pesos ang isa nito at pag naumpisahan mo ay hindi ka titigil hanggat may pera ka. Mapapansin mo na alng na nag lalakad ka pauwi dahil pati pamasahe mo naibili mo na. Hayz ok lang busog naman.
Syempre puro "Pambara" yung na pag usapan natin yung "Panulak" naman. "Sa palamig kayo dyan oh! Palamig , palamig! ( Pasigaw ito na babasahin)" Una una sa listahan ay ang
BUKO juice- Masarap ito lalo na kung malamig. Minsan nga lang sa dami ng yelo ay lasa ng "TuBIG" . Aguy. Kaya sabihin sa Tindero at tindera na " Kuya pag lasang tubig ito padagdag ha" Ginagawa ko po iyon. Aba 5 pesos yun ha. may iba nilalagyan ng gatas. Pampasarap siguro. Mabibili mo ito na naka plastik or baso na maliit.
Melon - Parang Buko, Kinadkad na Melon at hahaluan ng Asukal. Minsan ay halos hindi mo makita yung mga kinadkad na melon dahil Isang melon ata yung nilagay tapos 2 timbang tubig at 3 kilong asukal ang nilagay. Para ka tuloy uminom ng Tubig na Matamis. Mas maganda na ito sa Buko Juice na lasang tubig lang. 5 pesos din ito. At yung iba hinahaluan din ng gatas pero sobrang konti lang at ng tanungin ko sila kung bakit? sabi sa akin " Pogi, walang basagan ng TRIP".
Sago't Gulaman- Pinag halo ito tapos lalagayan ng kinaskas na yelo at arnibal. Mabisang pang alis ng uhaw. BABALA: Wag inumin pag sobrang uhaw ka dahil pag ininom mo ito, kahit makadalawang baso ka mas lalo kang mauuhaw. Makakaranas ng pangangati ng lalamunan. Mas doble ang gastos dahil mapapabili ka ng Buko Juice. 5 peso ang isa.
- Halo2X- Ito na yata ang "Summer Drink" sa Pilipinas. Kahit may kamahalan wala pa ring tatalo sa dito. Marami lang naging issue dito. Una: Ilan ba talaga ang Ingridients or sahog nito para matawag na halo halo? KAsi may iba na meron lang sago, pinipig, gulaman, at konting beans tapos sang tambak na yelo, hahaluan ng konting arnibal at sobrang konting gatas, Presto halo halo na. Hayz tama ba yun? Pag hinalo mo ito sasakit ang ngipin mo kakakain ng Yelo na minsan ay buo buo pa. Pangalawa: Minsan imbes na Ube ang nasa ibabaw ay Kamote ang nialalagay, "Anak ng Kamote naman Oh". Pangatlo: sa mga bumibili wag nyong ikumpara ang halo halo sa Chowking at halo halo sa kung saan saan. Masama yon, Wag ganun! May narinig kasi ako sabi nya" Bakit sa Chowking ang daming beans ito parang apat na piraso lang ata." Narinig nung tindera at binigayan siya ng 20 pesos at sabi " Ayan bente yan pumunta ka sa palengke bumili ka ng 1 Kilong Beans. Wapak!!! Yung babaeng bumili ng halo halo nanliit kasinglaki ng Beans sa Hiya." ..... Pangapat: Sa mga presyo ng Halo halo? Sa iba may 15 pesos regular, may 20 pesos Special, 25 pesos Super Speacial, 30 pesos Mega Special kasi may Ice Cream sa ibabaw, at 50 Pesos " Sa iyo na yung baso pwede mo nang dalin sa bahay".
Marami pang ibang Street Foods Kaya lang sa susunod na kasi masakit na ang kamay ko papahinga muna ako. Yung iba ay Balot , binatog, Puto ( Ito ang tawag sa lalaking Puto ano naman pag babae ang puto ano ang tawag?............. Kutsinta po pag babae), Dirty Ice cream, at kung ano ano pa. Salamat po sa pag bababsa sana ay nakapulot kayo ng kaalaman at kung may comment po kayo mag iwan lamang at sasagutin ko po sa lalong madaling panahon.
P.S. Comments should be in pure "Tagalog" because the author cannot write in English. He can read English but after 5 minutes there will be a "Brain Hemorrhage" So please have merci Write in Tagalog. ( Ito ang Joke na Hindi Nakakatwa AMF!)
Salamat Po ulit sa inyo God Speed po!!!
nakaka gutom nmn tong post mo... ampf.. sarap mag food trip.. ^_^
ReplyDeleteang galing mo po mag sulat. elibs na ako talaga. natawa ako.
ReplyDelete** kung alam mo lang ang bago ngayon yung calamares** patok na patok yan. hahaha.
....
Calamares yun nga po yung pusit di ba?
ReplyDelete