Tuesday, March 31, 2009

ISANG PULITIKO

NAGHAHANAP ang isang kilalang pulitiko ng padrino na magpapakilala sa kanya sa isang aktres na dalagang ina.
Hot mama ang tingin ng pulitiko sa aktres. Madalas na nagkakasabay ang dalawa sa pagsisimba, pero walang lakas ng loob ang pulitiko para lapitan ang kanyang crush na aktres.
Hindi makalapit ang pulitiko dahil kasama niya ang kanyang asawa. One time, habang nasa loob ng simbahan, hindi napigilan ng pulitiko na sundan ng tingin ang aktres at napansin ito ng misis niya.
Binago ng pulitiko ang direksyon ng pani­ngin para hindi mapuna ng misis niya na ang aktres ang kanyang sinusundan ng tingin.

No comments:

Post a Comment