Wednesday, April 29, 2009

Joke for today

BIGO SA PAG-IBIG?
Maghanap ng…

KUBA – Hindi ka kokontrahin. Siya ay mapagkumbaba.

LUMPO – Lagi kang sasamahan. Kahit kailan, hindi ka tatakbuhan.

PIPI – Kahit mag-away kayo, hindi ka makakarinig ng masasakit na salita.

BULAG – Walang pakialam kahit ano pa ang itsura mo.

Mag-ingat ka lang sa…

NGONGO: Malabong kausap.

BULOL: Walang isang salita.

BINGI: Kung hindi mo lalapitan, hindi namamansin.

DULING: Hindi kuntento sa isa.

******************************************************************************

SUSAN: Kumusta na ang lovelife?

MELISSA: Eto, parang ikaw… hindi maganda!

Tuesday, April 28, 2009

Hindi Napansin Nila Mama at Papa


This article is made by : "No One"


di maikukubling iba ang kilos ng mga kabataan ngaun….maraming nasasabak sa mga frat wars, may mga nagcho-tiongke kung sansan, may mga marunong manigarilyo at uminom ng alak, at meron din namang nasasama sa mga crime scenes kung saan pabida ang mga menorde edad….EVER WONDERED KUNG MAY NAITURO SA KANILA NUNG BATA PA SILA NA NAGRESULTA SA MALING PAG-AAKALA???


hindi ako sure….pero,…hmmmmmm…PWEDE na rin….
nung bata pa tayo sing-kitid ng butas ng karayom ang kukote natin…habang tumatanda tayo ay mas lumalawak ang kakayahan ng ating kaisipan,at kasama sa paglawak nito ang pagme-memorays sa mga bagay-bagay,harmless daw sabi ng iba…pero bigla akong napaisip kanina…HARMLESS NGA BA?

ito ay isang tipical na laro, inaamin kong naglaro ako nito,pero sa kabutihang palad ay isa ako sa mga nakaiwas sa kalamidad na maaari nitong itatak sa ating isipan….
"langit, lupa, IMPIYERNO, im, im, IMPYERNO"…simula palang ng kantang memorays na memorays natin ay nagsisimula na ang katatakutan na kinukubli ng mga mala-anghel na boses ng mga batang kumakantang unti-unting kinakain ng larong ito…"langit, lupa, Impiyerno, im, im, Impiyerno",…(eto ung pinakanakakatakot na part…)"SAK-SAK PUSO TULO ANG DUGO"…(grabe…..)(eto pa….)"PATAY" ….(tsk-tsk…)"BUHAY….Umalis ka na diyan puwesto mo!"…
anong masasabi niyo???hindi kaya isa ang larong ito sa contributor o factor ng paglaki ng crime rate ng mga teenagers????Malay natin????


eto pa ang isa…medyo malumanay pero may nakatagong pagka-makapal ng mukha…."Nanay, Tatay, Gusto kong tinapay"….(hindi ba may tunog pang cannibalism to????ang nanay at tatay niya ang gusto niyang gawing tinapay???)minemorays kasi natin ito ng hindi nag-iisip…dapat ay "Nanay, Tatay, Gusto ko ng tinapay"…pero kung ganun naman ang kalagayan ng awiting pambata… may pagkamaldita ang lyrics…tama bang utusan ang magulang na kuhanan siya ng tinapay???…"Ate, Kuya, gusto ko ng kape"…(sobra…ano to???isa lang ibig sabihin nito…pang-corrupt din ito ng utak ng mga bata…)eto ung pinaka masahol na part…."LAHAT"….as in…"LAHAT ng gusto ko ay susundin niyo…ang magka-mali ay pipingutin ko"…(sobra na un….batang namimingot…???nag-uutos na nga e, tapos pag nagkamali ka may pingot ka pa????)at may countdown pa sa hulihan…."isa,,,,dalawa,,,,tatlo,,,,apat,,,,etc"…


ano???harapin natin ang reality…may mga batang nacorrupt ng mga awiting pang demidemon…kawawa naman..sino kaya ang nag-imbento ng mga himnong ito?san kaya ito nang-galing…at habang binabasa mo ito…wala tayong kamalay-malay…na sa mga oras na ito ay maynagme-memorays nanaman ng isa sa mga kantang ito….maipa-pasa ito sa mga susunod pang henerasyon…dahil sa isang dahilan lamang….Hindi napansin ni Mama at Papa….


"sum stupid writings coming from a stupid writer… "
:No One

Monday, April 27, 2009

Sorry naman "No ONE"


Pasensya na po Sorry na mapapatwad mo ba ako? Sana naman hindi ko naman alam na ganoon pala. Malay ko kasi akala ko inaantok ka pa. Nag kamali ako. Sorry na po mapapatawad mo pa ba ako.? Pm mo na lang ako po.... Sorry ulit.

Pelikulang Pilipino???

Bakit ang pelikula dito sa Pilipinas ay hindi na nag bago? As in ang istorya ay laging ganun pa din... Hindi ko tuloy masisisi ang mga Pilipino kung bakit minsan ay ayaw na nilang manood ng Pinoy Movie. Hindi naman totooong walang pera ang pilipino pag dating sa panonood ng sine? Bakit naman pag may bagong Holywood Movie ay talga namng kumikita d2 sa Pilipinas.

Ano ba ang katangian or "Content" ng isang tipikal na tagalog na pelikula:

1. Pag ang isang pelikula ay komedi, lagi itong may sayawan sa "beach". Ito yung tipong mag yayakag ang bida at mag sasayawan sila doon or kaya kakanta. Mapapansing lahat ng naliligo sa beach ay alam ang steps ng sayaw.

2. Ang laging pasalubong ng Bida sa kanyang asawa, nanay, or anak ay laging "pansit". Hindi pa ako naka panood ng pelikulang "spaghetti" ang pasalubong.

3. Sa action movie naman lagi na alng may kasabwat na police ang mga kontrabida. pero sa huli ito laging nalalaman.

4. Sa action ulit, oras na nag babarilan na asahan mong matatapos na ang pelikulang pinanonood mo. Kaya kung may kinakain ka pang "Snacks" ay ubusin mo na.

5. Sa isang tagalaog na movie ay kalimitang may ma ki kidnap ang mga kontrabida, maaring anak, asawa, or yung nililigawan ng bida.

6. Sa action ulit, ang bida ay kalimitang susugod sa hide out ng mga kontrabida. Mag isa lang siya tapos sasalubingin ng 50 na mga goons. Asahan mong para itong si superman at mapapatay niya lahat ng kalaban. Minsan 2 putok ng baril niya ay 5 ang matutumba at patay agad.

7. Kasunod ito nung no. 6. Pag yung bida bumaril kahit sa mga pader lang natama ay patay agad ang goons. Minsan naman ay mababaril ang bida, kahit 3 na ang tama nito ay buhay pa rin ito.
mapapasing mong ang kulay ng dugo ng bida ay orange.

8. Sa mga komedi at Fantasy na movie ay laging nananalo ang kabutihan laban sa kasamaan. Pero kunyari ay matatalo ang kabutihan pero later on ay mananalo pa din ito.

9. Ang mga leading lady ng mga bida pag mayaman ay kulot ang buhok.

10. Syempre ang mga bida ay laging may "Sidekick" hindi ito nawawala kasi ito ang nag papatawa lagi.

11. Ang mga bida sa action movies laging mat "Asset" lalo na kung police. Tapos bigla na alng papatayin ng kalaban ang asset at mag hihiganti ang bida.

12. Kahit kailan hindi pa ako nakapanood ng action movie na ang mga pulis ay nauuna sa labanan. Dadting lang sila pag napatay na ng bida ang lahat ng mga goons.

Sa totoo alng madami pa pero nalimutan ko na. Manonood muna ako ulit para matandaan ko. Kaya siguradong may part 2 ito. Binabati ko nga pala si Pablo, si Bez , Patrick at si "No one". Ingatz lagi kayo. Salamat po sa lahat ng nag basa. Ingatz at God bless po.

Saturday, April 25, 2009

Single or Double?

Kamusta ka na? Ako ok alng po, ganun pa din wala namang pag babago. Alam nyo para na akong abnormal, kasi nag tataka ako, bakit ang bilis kong ma inlove sa isang tao? Normal ba iyon? Pero lagi kong pinipigilan ang sarili ko. Sabi ko ayoko muna ng responsibility. Maybe nag scape goating lang ako na ayokong masaktan or what. Pero happy naman akong single. Feeling ko di ko pa naman ganoon kailangan ng mamahalin. Andyan naman ang family at syempre Friends na sobrang supportive sayo. Excuse me lang po yung true friends ha, hindi yung friends lang pag kaharap mo or kausap mo. Ang dami kasi ngaung "orocan" or yung "plastik" ba. Back to the topic. Happy namn akong single kaya lang iba pa rin yung may ka txt ka sa umaga ng gud morning baby! I love you. yung may tatanungin kang beh kumain ka na? at yung may mag bibigay sayo ng "power hug" at "super kiss" sa gabi bago ka matulog. Nakaka miz yung ganoon. Pero siguro nasanay na rin akong single. Sabi ko sa sarili ko dadating din ulit yung taong mag mamahal sa akin at mamahalin ko unconditionally. Basta habang wala pa siya, enjoy muna sa buhay. Pero pangako ko sa sarili ko pag nakita ko na siya, kahit harangin pa ako ng kahit na sino hindi ko na siya papakawalan, sabi nga nila magkamatayan na! Ganoon naman di ba? Pag mahal mo, ipaglalaban mo no matter what! Ayun sige po ingatz na alng ulit next time ulit God bless po at take care coz i care......

Thursday, April 23, 2009

Problema mo, Sagot Ko!

This past days sobrang na depress ako. May mga problemang dumating, sa awa ng Maykapal nalampasan ko namang lahat. Recently lang po kasi ay nag kasakit ako. AS iN na ospital ako dahil sa Ear Infection. Badtrip nga kasi kagagaling ko alng sa trangkaso tapos akala ko magaling na ako, nag basketball ako then next morning ayun dang sakit na ng tenga ko. Sabi ng 3 doktor na napuntahan ko actually 2 lang kasi yung una na tumingin sa akin ay Practioner Nurse, ay Ear Infection nga. Naisip ko sa dami dami ng tatatmaan ng sakit na ito bakit ako pa? May nagawa ba akong kasalana ? Naitanong ko sa sarili ko. Kasi po sobrang maingat ako sa health as in may Vit. C, Vit. E, Grape Seed, tapos may isa pang herbal na garlic na tablets akong iniinom. Hayz, naiisp ko na lang na kung sayo talga sayo. Pero Blessed din ako kahit papaano ay magaling na ako, but i need to see an Ear Specialist kasi sabi ng doktor mat maliit daw na butas ang Ear Drums ko, kaya may naririnig akong tunog. Almost 2 weeks na nga kaya parang nasanay na din ako.

Ayun kaya di rin masyado na intindi itong Blog. Sabi ko nga sa isang kaibigan ko ayoko nang mag Blog pero gusto ko kasi I share yung nangyari sa akin. Natutunan ko na alng na "Hindi ibibigay ni Lord sayo ang isang problema kung hindi mo kayang lutasin." Isang milyong problema man at pag subok ang dumating sa isang tao, may nakalaan namang Walang katapusang Solusyon si Lord para dyan. Importante lang wag tayong sumuko at patuloy ang laban. Aba Pilipino yata tayo hindi basta basta. Kaya mga tsong, tsang mga katoto "Ang problema parte na ng buhay ng tao, Pag walang problema CORNY ang buhay" Minsan nga ito pa ang nag lalapit sa atin kay Lord. Yun wala lng seryoso akong bigla hindi bagay hehehe. Geh po inagtz na alng sa lahat at Pray. Prayers ito walang kaduda duda MABISA na solusyon sa lahat ng bagay. "Prayers can move Mountains" sabi nga.

Tuesday, April 7, 2009

Jok3X

***
Sa isang squatter’s area…NANAY: Anak, hipan mo ang kandila at mag-wish ka.NENE: Opo, ‘Nay!NANAY: O, ano ba ang birthday wish mo?NENE: Sana po, ‘Nay… sa susunod na birthday ko, may kasama nang cake ang kandilang ‘to! [Pabs Rosas]


***
MARTA: Bakit BOB ang tawag mo sa mister mong mahilig? Di ba, TIMOTEO ang pangalan niya?VERONICA: Ahh… ehh… BOB-AERO kasi ang walang hiyang Hudas na ‘yan! [Pabs Rosas]
***


SIMON: Pare, gagawa ako ng pelikula! Ako ang direktor, ako ang producer, ako ang scriptwriter, ako ang editor at ako rin ang bida! Ang pamagat, ANG AKIN AY AKIN AT ANG IYO AY AKIN PA RIN. Ano, ayos ba?PEDRO: Pare, ang haba naman ng pamagat! Bakit hindi mo na lang gawing ANG SUGAPA? [Jhunax]
***


May isang bading na nasa meatshop…BADING: Pabili nga po ng isang whole German sausage.TINDERA: Cha-chop-in ko na?BADING: HUWAAAGGG!!! Anong akala mo sa puwet ko, alkansya?!
***


Dear Pepsi… Alam mo bang Coke na Coke ako sa ‘yo, Royal ka pa naman pero lagi mo ‘kong ini-Sprite.Naalala mo pa ba nu’ng pumunta tayo sa Mountain Dew? Sumakay pa nga tayo ng Red Horse at muntik pa tayong tangayin ni Gold Eagle!Buti na lang, nandiyan si San Miguel!Nagmamahal… Tuba [Mac
***


PA­TALASTAS“I did it, Ma!“I played with my boyfriend… I got stinky, I got flirty. We tried and tried, Ma, will we reach the top.“I got pregnant, but see? I learned!“Sorry na, huh?” [Yeng, Ms. Vher, Lhenimy, Dveil 06, Mr. X, Lhadymhae, Ms. Shane, Del ng Limay]
***


There are 8 ways to describe you:Jolly, Optimistic, Kind, Exotic, Lovable, Nice, Gorgeous!In short… J-O-K-E L-A-N-G!
***


GOVERNMENT WARNING:Kissing is dangerous to your health because it’s 5% saliva, 3% acidic, 2% fat and 90% addictive!It can cause SEX.So, kiss moderately! [Leomar ng Caloocan,


***
Ang pag-ibig, parang imburnal.Nakakatakot mahulog. At pag nahulog ka, it’s either by accident or sad­yang tanga ka lang talaga. [Biboy,


***
Our friendship means a lot to me.If you laugh, I laugh. If you cry, I cry.If you jump, I won’t. Instead, I’ll catch you and say, “Friend, why naman jump you? Frog you?”


***
BOYFRIEND: Babe, anong breakfast natin?GIRLFRIEND: Eto, gegs.BOYFRIEND: Anong gegs? Baka eggs?GIRLFRIEND: ‘Yun nga!BOYFRIEND: Hmph!GIRLFRIEND: Inis­krambol ko kasi, eh! [James,


***
Iba’t ibang AMOY ng panty matapos gamitin ng babae nang sampung oras…BANK TELLER: lu­mang peso bills na papalitan naSCHOOL GIRL: Webs­ter Dictionary 1950 editionTINDERA NG ISDA: something fishySM SALESLADY: MegamoyGRO: nicotine, beer at brandy [Pabs Rosas ng Angeles City]

Monday, April 6, 2009

JOKE3x

Hindi lahat ng bumabakat sa damit ay censored.” – BILBIL [Baby Chinito]

***FAMILY PLANNING Advisory:If you want to practice safe sex… do it with the same sex. [Baby Chinito]

***PULIS: Boss, konting abuloy lang, may namatay na pulis.
INTSIK: Ako malaki migay amuloy masta alaw-alaw melon pulis paktay, oke?

***REPORTER: Sir, kung wala po kayong ebidensya, saksi o suspek, ano na po ang next step ninyo?PULIS: DNA na.RE­PORTER: Sir, ano pong DNA?PULIS: Di Namin Alam.

***Hindi naman ako ca­mera…Bakit andaming ngumingiti kapag nakikita ako? [TopBi, ]

***BOY: Miss, archer ka ba?GIRL: Bakit?BOY: Na-bull’s eye mo kasi ako, eh. Sa puso pa tumama! [Baby Chinito]

***BOYFRIEND: Sabihin mo sa ‘kin ang totoo… ilang lalaki na ang nakatabi mo sa pagtulog?GIRLFRIEND: Babe, sumpa man, ikaw pa lang lalaking nakatabi ko sa pagtulog! ‘Yung iba kasi… hindi talaga ako pinapatulog! [Djsonic, ]

***FLIRTING is the way you discover if someone is attracted to you as well.If you flirt and he/she doesn’t flirt back, it’s safe to say you should move on… to your next victim! [Baby Chinito]

***Sometimes, I just smile to cover the pain.Sometimes, I laugh to cover up my sadness.But whether I smile or laugh I can never hide what I really feel inside… Masakit palang tumawa kapag hindi ka talaga masaya. [Jen ng Cavite]

***REPORTER: Ano ang plano n’yo sa mga homeless? PACQUIAO: Marami, kaso may problema. REPORTER: Ano po ‘yun? PACQUIAO: Ang hirap nilang hanapin, kasi, wala silang address.

***MISIS: Maghiwalay na tayo!MISTER: Ok, akin ang bahay!MISIS: Akin ang farm!MISTER: Akin ang kotse!MISIS: Ahh… pero akin ang driver!MISTER: Puwes, magkakamatayan tayo! Matagal na siyang akin!

***BOY: ‘Nay! Muntik na ako maging top one sa klase!NANAY: Ba’t mo naman nasabi?BOY: Ini-announce kasi kanina ‘yung top one sa klase. Ang tinuro ni ma’am, ‘yung katabi ko. Muntik na ako!***Kasama mo ‘ko lagi. Hindi kita iiwan.Sabay tayong iiyak. Sabay tayong tatakbo.At kung madapa man tayo, sabay rin tayong tatayo at sisigaw ng… “Hayop na Red Horse ‘yan, nalasing na naman tayo!” [Jen ng Cavite]

***Bakit ‘S’ ang nasa costume ni Superman? Wala na kasing MEDIUM! Napansin mo, fit masyado, di ba?!

***Kung nabibili lang ang puso mo, mag-iipon na ‘ko… para makabili ng… PUSO ng saging.Wala kaming ulam, eh! [Baby Chinito]

***Kapag nalulungkot ka, text mo lang ako.Kapag natatakot ka, miskol mo ‘ko.Kapag may problema ka, tawagan mo lang ako.Pero pag masaya ka na… ikaw na ang bahala kung maalaala mo pa ako. [Jen ng Cavite]

LOVE CHAT!

Na inlove ka na ba sa pag cha chat lang? May possibilidad ba na main love sa chat? Ako "OO". Mabilis kasi gumaang ang loob ko kahit pa sa chat lang. Normal ba ito? Ako lang ba ang nag iisang tao na na inlove sa chat? hayz... Paano mo ba malalaman na inlove ka na sa taong ka chat mo? Well share ko na alng sa inyo ang aking Chatstory. Na in love na ko? OO naman sino ba ang hindi? pero sa chat wow! bago sa akin iyon. Sa una mag kaibigan kayo, laging ang unang tanong sayo "Musta po?" ang laging sagot "Ok lng, ikaw?". Famous na line iyan sa umpisa. Hanggang sa mag kaka mustahan na kayo, kumain ka na?, kamusta araw mo?. Mas maganda kung pareho kayong may headset or mic para pwede kayong mag voice chat.. Paano kung tahimik naman yung kausap mo? AS in sobrang tahimik na pwedeng 10 ,minutes na hindi sya magsalita? Nakakabaliw iyon ha. Pero OK lang. ANo ba ang mas maganda maging mag "Lover" kayo or mag kaibigan lang? Depende di ba? Ako ewan ko basta ako kahit ano basta mag kasundo kayo. Pwede namang mag adjust yung isa di ba? Pero sana pareho kayong nag aadjust hindi yung isa lang. Dapat give and take , Hindi puro take ng take or give ng give. Dapat fare kayo sa lahat ng bagay. Para sa akin lang iyan po ha. O sige po next time na lng ulit masama pakiramdam ko. Ingatz po at sana lagi kayong ok. Tandaan nyo lang hindi masama ang ma inlove. Wag lang sobra. Kasi pag naiwan ka sa hangin kawawa ka.

Saturday, April 4, 2009

I LAB U PO

Ano ba talaga ang ibig sabihin ng "LOVE"? May nakakaalam ba ng ibig sabihin nito? Naramdaman mo na ba ito at sigurado ka na LOVE iyon? Ako siguro naramdaman ko na pero hindi ako sigurado. Masarap ba maramdaman ang LOVE? Kasi ako nung naramdaman ko ito bata pa ako. Siguro im 15 years Old nun. Ang saya, sobra yung para bang ang mundo mo ay "SIYA" lang. Noong una hindi ko pina alam sa kanya kasi medyo torpe ako. Pero later on nahalata na niya kasi lagi ko siyang tinatanong sa mga friends niya. Hanggang naging "Kami" yehey. Parang bawat araw na dumadating sobrang saya. Para akong araw araw nananalo sa lotto. Ganun kasaya ang aking pakiramdam. Pero kagaya ng mga palabas sa TV may katapusan din pala ang lahat. Nagkahiwalay kami kasi sabi ng ermats niya ay mga bata pa daw kami. Kasi yung time na yun nabuntis ang ate niya, baka daw mangyari din sa kanya kaya pinag hiwalay kami. Sobrang sakit naman talaga ng pangyayari. Halos maramdaman ko na wala ng halaga ang buhay ko. (Corny di ba) Pero totoo iyon. KAsi dati ako pinagtatawanan ko pa yung mga nag papakamatay dahil lang sa LOVE. Sabi ko ang tatanga naman nila sabay tawa ng malakas. Pero noong naramdaman ko ang LOVE tapos masaktan. Grabeh pala. Tapos sinabi ko sa sarili ko, bawal ka nang mag MAHAL. Sana nga pwede di ba? na sabihin mo sa PUSO mo tama na ayoko ng mag MAHAL. Hanggang sa Tumibok nanaman ang pesteng PUSO ko. nakaramdam nanaman ng LOVE. Sabi ko handa na ba akong masaktan? Na isip ko na pag nag MAHAL ka pala kasama na doon ang sakit. Ang importante naman ay natuto kang mag MAHAL ng tunay at mahalin ng tunay. Napag isipan ko na sa buhay lahat ng kaya mong gawin, dapat gawin mo baka kasi sa huli isipin mo na, Paano kaya kung ginawa ko iyon? Paano kaya kung nangyari iyon? Paano kaya kung? Dapat no "regrets" ka sa buhay. Maikli lang naman ang buhay ng tao, hindi mo nga alam kung magigising ka pa bukas. Kung buhay ka pa sa isang linggo. Walang nakakalam kung yung nasa TAAS.


Kaya pag nakaramdam ka ng LOVE go ahead, normal lang ang masaktan. Kasi isipin mo kung nag MAHAL ka tapos nagkahiwalay kayo at hindi ka nasakatan maiiisp mo Minahal ko ba nga siya? Tunay na LOVE ba ang naramdaman ko? Ngaun ako marami akong LOVE. AS in maraming marami. Ang pamilya ko ang mga kaibigan ko at ang mga tao sa paligid ko na patuloy na nakikipag laban sa hirap ng buhay. Kung tatanungin nyo kung may LOVE ako ngaun, ang sagot ay wala. Happy to be single. Natutunan ko sa isa kong kaibigan hindi naman daw hinahanap yung Tao na magmamahal sayo, kusa daw siyang darating. Tapos may isa pa na wag mong hanapin ang taong magmamahal sayo, Hayaan mong siya ang maghanap sayo. ( Paano naman kung lahat ng tao hindi maghanap? Eh di lahat ng tao nagaantay?) Kaya kung tingin mo tama ka, LOVE mo siya, aba ano pa ang hinihintay mo? Don't be afraid of being rejected. Kahit kailan wag ka matakot kasi kung mag papadala ka sa takot aba walang mangyayari sayo. Malay mo yung taong mahal mo mahal ka din? Paano mo malalaman kung hindi mo sasabihin? Sa lahat ng nag basa I LAB U PO!!!

Friday, April 3, 2009

SIR X

Dear Sir X,

Itago nyo na lang po ako sa pangalang Buboy. Isa po ako sa milyon milyon po ninyong taga hanga. Ako po ay lubos na matutuwa kung mapipili ninyo ang aking munting sulat para ibahagi sa inyong mga mambabasa. Ako po ay labing siyam na taong gulang (19 yrs old) at nakatira sa probinsya sa Ilocos. Hindi na po ako nag aaral dahil sa kahirapan ng buhay at ako po ay tumutulong na lamang sa aking Ama sa bukid. Nangyari po ang aking karanasan ng minsan pauwi po ako galing sa bukid. Nag paiwan po ang aking Ama dahil na rin hindi pa tapos ang mga gawain doon at pinauwi na po niya ako para makakuha ng tanghalian. Habang nag lalakad po ako ay naisipan kong dumaan sa may batis na may magandang talon (falls). Nang malapit na po ako ay naisipan kong maligo dahil na rin sa init ng araw, sa isip ko po ay mag mamadali na alng ako para hindi mapagalitan. Nag tanggal po ako ng aking T-shirt at syempre po medyo malaki ang aking pangangatawan dahil sanay po ako sa gawaing bukid Sir X.

Laking gulat ko na alng po ng may nakita akong naliligo doon. May nauna na po pala sa akin. Hindi po ako nag pakita dahil baka ma abala siya at matakot sa akin. Sir X napakaputi niya po, ang ganda ng ktis niya Sir X at ang tubig ay dumadaloy sa kanyang katawan ay nakapanabik. Lalo pong nadagdagan ang Init na nararamdaman ko sa aking katawan. Pinag masdan ko po siya habang naliligo, Ang ganda ng balat niya at ang puti, tisay na tisay siya at nasisinagan pa ng araw ang kanyang mala porselanang kutis, Sir X kung alam mo lang gusto ko nang sabayan siya sa paliligo. Nanigas po ang
aking @#$% sa aking nakikita. Marahil ay sa pagod na din. kitang kita ko ang malulusog niyang mga dibdib na wari bang nang a anyaya sa akin. Natakam ako sa aking nakita para bagang gusto kong dedehin ang mga ito at lamutakin sa aking mga palad. Naisip ko nakayang kaya kong dakmain ang mga ito. Pasensya ka na Sir X sa aking mga kwento talagang hindi ko lang mapigilan ang aking sarili sa pananabik.

Hindi na ako nakatiis Sir X at dahan dahan akong lumapit. Tinanggal ko na din ang aking pantalon para kung tumakbo man siya ay maabutan ko. Tanging brief na alng ang saplot ko sa aking katawan at parang gusto ko na din tanggalin tutal wala namang tao doon. Lumapit ako ng dahan dahan, wala siyang kamalay malay halos isang dipa na lang ang layo namin. Sir X nakita niya ako SHit. Hindi siya naging maamo at binirahan niya ng takbo. Hindi ko na din hinabol dahil ang bilis niyang tumakbo. Pesteng baka yun. Alaga siya ni Mang Temi, ka papanganak niya pa alng kaya alam kong maraming gatas sa dibdib niya. Sayang sobrang gutom ko noon Sir X kaya iba ang pakiramdam ko sa baka. Sa mga mambabasa wag kayong mag papagutom iyan po ang payo ko. Sana ay may natutunan kayo sa aking munting kwento. Salamat Sir X.

Gumagalang,
Buboy


Mawalang galang sa yo Buboy,

Kumag ka, AMF ka at isa kang Sakit ng ulo. Akala ko pa naman ay yun.. Binitin mo ako Buboy at ang mga mambabasa ko bwisit ka, akala ko pa naman ay may mangyayari. Bweno sa iyo Buboy masama ka pa lang nagugutom, bawasan mo iyan dahil maarin kang mag kasakit. Ingatan mo ang sarili mo at wag ka nang dadaan sa batis na yan. Baka sa susunod ay kalabaw, kabayo o kaya kambing naman ang makita mo. Ingatz na alng Buboy. ( nsayang ang oras ko dun)..

SIR X


TITLE: " Gatas"

Thursday, April 2, 2009

Ang Pagtulog BOW!


Bakit ba ang hirap matulog sa gabi? Minsan naman di mo gusto matulog pero inaantok ka na?
Hayz ako minsan nanood ng tv pero bigla na lng akong makakatulog. Kinabukasan sermon ako sa Nanay ko kasi iniwan ko daw yung TV na bukas. Buti na alng ngaun hindi na kasi natutunan ko yung Sleep Mode sa TV. ( tanga ko noh? hehe) Pero totoo ba na yung Kape ay nakakapang pagising? Kasi ako uminom ako ng kape minsan lalo akong inantok. sabi nung Tatay ko ano ba daw hinalo ko sa kape? sabi ko asukal po at gatas. Sabi niya wag daw lagyan ng gatas dapat daw coffeemate. ( nag endorse pa hehehe).
Sabi ko sa Tatay ko wala kaming coffee mate. Tapos humingi ako ng pambili ng coffeemate sabi ng tatay ko " Wag ka na mag coffeemate, asukal na lang." (ToINKS) Ayun. Minsan naman pag nasa Jeep nakakatulog din ako. Ilang beses na din akong lumagpas sa bababaan ko ha dahil dun AMF nga pero ganun talga. Minsan naman tulog ako sa Jeep tapos magigising ako kasi ma papa sipa ako, yung pakiramdam na parang nahuhulog ka sa bangin.
( Ewan ko kung naramdaman nyo na yun). Marami pa akong kwento kaya lang parang inaanto..........

GLOBE BROADBAND Team Leader's

team leader — Quezon City
Lokasyon: Quezon City, Metro Manila, Pilipinas
Petsa kung Kailan Pinost: Abr 02
Sahod: 500
ATTENTION TO ALL SALES ORIENTED PEOPLE,THIS IS TO INFORM YOU THAT WE ARE IN NEED OF "TEAM LEADERS" for GLOBE BROADBAND.
QUALIFICTION:
1. ATLEAST 1 YEAR EXPERIENCED IN DIRECT SELLING
2.MUST KNOW HOW TO HANDLE TEAMS
3.AND CAN RECRUIT FOR HIS OWN TEAM
4.AND WITH 8 MEMBER FOR A TEAM
INTERESTED APPLICANT MAY APPLY EMMEDIATELY AT NETMARK MANPOWER SERVICES 125 15TH AVE CORNER P TUAZON CUBAO ,TEL#911 8250,794 1452,906 8884,09053037694 ,LOOK BRENDON.
BRING THE FOLLOWING:
1.RESUME OR BIODATA
2.NBI,POLICE ,BARANGAY CLEARANCE
Pangalan ng kumpanya: NETMARK MANPOWER SERVICES
Uri ng Posisyon: Full-time
Nais na karanasan: 2 - 2
Range ng sweldo: 500 - 500 Kada oras

Part time Legal Clerk / Messenger — Pasig/Marikina area — Marikina

Lokasyon: Marikina, Metro Manila, Pilipinas
Petsa kung Kailan Pinost: Abr 02
Part time Legal Clerk / Messenger — Pasig
preferred college student, single. office and field work, flexibleworking hours. with daily allowance plus bonus/commission.
to interested applicants, kindly email your bio data with picture, indicating homeaddress, contact number, work experience, reference, and expected salary tolawstaff_wanted@yahoo.com
if you are studying, indicate also, your school days and hours and your freetime.
please note this is parttimework only and only residents near areaof robinson's east / sta lucia mall at marcos highway will be considered. thanks.

Bansa Mo, Bansa KO?

Recently lang po ay may mga tao akong nakakausap na nasa ibang bansa, at kahit alam kong tumatawa sila ay malungkot sila deep inside. UU nga malaki ang kita nila dahil yung iba dollars pero sapat ba iyon? Ano ba ang Advantage at Disadvantage ng mga nakatira sa ibang bansa? Well ito po para sa akin....

ADVANTAGE:





1. Syempre malaki ang sweldo mo. Kahit papaano ay nakakaipon ka. Aba kahit ata part time lang ang sweldo ay mas malaki pa rin ang sahod ng mga nakatira sa ibang bansa.

2. Lahat halos ng gusto mo kainin ay pwede dahil abot kamay mo ang mga ito. Andyan ang mag Pizza ka araw araw, kumain ka sa American, Chinese, Japanese, Vietnamese, Tawanese, Restaurant. Madali lang yan samantalang nung nasa Pilipinas ka Sobra ka kung makaamoy ng ulam ba kasi PANESE na.

3. Pwede ka rin makabili ng mga gusto mo kasi nga di ba malaki ang sweldo. Kahit ano, cellphone, MP3 ,MP4, MP5 to MP1000. IPOD, IPHONE , Digicam, lahat pwede basta gusto mo.

4. Kung maayos ang trabaho mo ay madali ka makakabili ng sasakyan. Madali naman kasing umutang sa Bangko. Hindi tulad sa Pilipinas na kahit ata Kuba ka na ka ta trabaho , lahat na ng pwedeng "Raket" napasok mo, ay kulang pang sa laki ng mga gastos. AMF..

5 Syempre madami kang nakikita dahil ibang bansa yun. Maraming magagandang pasyalan. Masarap dahil yung naka lakihan mo sa Pilipinas ay nabago.

6. All in all ay PERA. PERA naman ang dahilan kung bakit umaalis ang isang tao sa ating bansa. Hayz. Buti sana kung kasama mo ang pamilya mo para at least bawas homesick di ba? At syempre kung may choice lang yung ibang mga tao na wag nang umalis ng Pilipinas malamang sa malamang ay HINDI na aalis di ba? Kaya sana ay dumating yung time na hindi na kailangang umalis ng bansa para lang kumita ng malaking pera . ( POSIBLE kaya yun)...

AT ito naman ang Disadvantage ng mga nasa Ibang Bansa. Pumili lang po ako ng Ilan kasi sobrang dami. Hehehe.

DISADVANTAGE:





1. HOMESICK- Kailangan pa bang I Memorize to? Ito ang unang kalaban ng mga nasa ibang bansa. Minsan ang nagiging defense mechanism ng mga taong na ho homesick ay bumibili sila ng mga bagay na mag papasaya sa kanila, kagay ng mga material na bagay. ( SAPAT ba ito)

2. KAIBIGAN- Syempre start ka ulit ng bagong pag hahanap ng kaibigan. Mabuti nga ngayon may Friendster, Facebook, Multiply at kung ano ano na kaya kahit papaano ay madali nating ma contact ang ating mga Mahal sa buhay at kaibigan. Andyan ang YM, SKYPE, CHIKA Messenger at iba pa. Pero malaking adjustment ang maghanap ng TUNAY na kaibigan. ( KAYA MO YAN)

3. KLIMA- Kasi sanay tayo sa mainit na lugar. Yung iba nasa malalamig di ba? Meron pa ngang may snow kaya mejo Super Adjust ang mga bago sa Ibang Bansa. Pero pag tagal kaya na din yan. ( Jacket lang Katapat nyan)

4. PAG UWI SA PILIPINAS- Naku po ito ang "Big Deal". Oras na uuwi ka na sa Pilipinas hayz asahan mo pati pinsan ng pinsan ng tito ng kapit bahay mo alam ang pag uwi mo. Meron pa nga na kamag-anak mo daw na doon mo lang makikita after Gazillion Years. Syempre mahihiya ka kaya Alam mo na kung ano kasunod. Lahat ng kaibigan mo sigaw ay "Blow out" Hindi nila alam ang hirap din ng buhay sa Ibang bansa, akala nila nag papala ka ng pera tsk tsk.

5. AWAY NA ITO- Once na may hindi ka napag bigyan na kahit na sino GULO na sigurado. May maririnig ka na lang na "Nakarating lang sa Ibang Bansa Nag iba na" , " Akala mo kung sino, Kanya na ang pera niya" at " NApakadamot naman nito Hindi naman ganyan dati yan".. OOOOPSSS. Dapat intindihin mo na lang. Para walang gulo. ( COOL KA lang)

6. Sobrang nakakaMIss ang mga tao, lugar sa PILIPINAS. Dati hindi mo ma appreciate ang maliliit na bagay pero bigla mo na alng ito maiisip. Ma mimiss mo pati yung mga simpleng lugar lang palengke, tindahan malapit sa inyo, kapitbahay mo na may utang sayo, yung mga nag iinuman sa labas, mga tambay, yung kwentuhan nyo sa mga gilid gilid. Pag kain ng Goto, Ihaw ihaw, Bibingka pag pasko, mga nangangaroling na dati pinag papatayan mo pa ng ilaw, lahat ng simpleng bagay sa Pilipinas na mi miss mo. Kaya yung iba sinasabi pag nakauwi ako sa Pilipinas pagtapak ng paa ko sa Lupa baka mahalikan ko pa. ( aw tsk tsk).

Wala naman talagang tatalo sa Bansa natin. Pilipinas eh Da best yan. Kaya sana yung mga taong wala sa dito ay pag nakabalik po tayo ay medyo mahalin natin, Kasi yung Ibang PILIPINO nag kaka DISIPLINA lang pag nasa ibang Bansa. Kung dati yung simpleng pag tatapon ng balat ng kendi dito kahit saan tatapon mo, pero pag nasa ibang bansa sobrang sunod tayo sa mga rules.

( PAKITANG TAO LANG BA IYON? Kung sa ibang Bansa kaya nating gawin Bakit Hindi dito Sa sariling Bayan natin?)

Nakakatuwa na kung kelan wala na sa atin tsaka lang natin maiisip ang halaga. Kaya sa mga nasa ibang bansa po sana makadalaw kayo dito at maramdaman ninyo kung gaano kainiit ( Hindi iyong Araw ha) kundi kung gaano kasarap ang pakiramdam pag nasa sarili mong Bansa.

Wednesday, April 1, 2009

Pacquiao For President 2010

BREAKING NEWS!!!!






Kung ikaw po ba ang papipiliin ay iboboto mo ba is Manny sa Pag ka Pangulo sa 2010? Marami ang nagsasabi na hindi nila ito iboboto pero may mga nagsasabi din na iboboto nila ito dahil hindi na daw mangungurakot si Manny dahil mayaman na ito. May posibilidad nga kaya na MANALO si Manny kung tatakbo siya? Naku pag Nanalo si Manny mag papagawa din daw siya ng pera na may picture niya prang ganito:









Maganda naman tignan pero kawawa naman si Aguinaldo. Baka mag Aklas ang mga tga Cavite niyan. Sabi pa ni Manny ay hindi daw siya takot na kalabanin ang kahit na sino sa Administration or Opposition. Sabi pa ni Manny " Will I ken Fayt who is will be in my rud. If they are in my rud i will bit them." Dag dag pa niya: " Absolutley i will win this". Isa lang naman daw ang kinakatakutan niyang kalaban ang napapabalitang tatakbo din sa May 2010 pero hindi pa lam kung anong position ay si Willie Revilliame. At ng tanungin namin kung bakit siya takot kay "Papi". sagot niya Manny: " alam mo na baka dayain aku" .

Manny Nangangampanya na??

Isa po ako mga fans ni Manny Paquiao at nag aabang kung siya ay kakandidato ulit sa May 2010. Marami po ang nag hahangad sa atin na manalo siya sa laban niya kay Hatton. Pero napag alaman ko po sa ilang mga sites ng internet na parang nag papahiwatig na itong si Manny dahil sa mga ilang posters na ito?
___________________________________________________________


Isa lamang yan sa ilang posters ni Manny. At balita pang pati si Bush ay kukunin niya para I endorse siya dahil may ebidensya po ito po: Makatulog kaya si Bush o ito pa ang mag baon kay Manny sa election? Nakuhan natin ng pahayg si President Elect Obama: Ganito po ang text niya.

Obama: Wer na you d2 na me.
Ako: Mr. President, D2 lng Me. Wat is ur comment to this photo?
Obama: Im upset and Im a fan of Manny but if he will continue this he should fight me.
Ako: Really sir? as in in the ring like a match?
Obama: Of course. 1 on 1. Im willing to fight.


( Obama has one condition. He will not use gloves:)



Obama: Lets Fayt Manny Bring it On!

"Lets Support Manny All the way. Go team PILIPINAS! "

Mga Ka Item Ko?

SA mga Ka Item ko po na nag Iwan na po ng comment at greetings maraming salamat po. Para na nga akong nag po promote ng Movie pag sinasabi ko itong Blog ko. Sana po ay kahit papaano ay makapagbigay ako ng kaalaman at konting ngiti sa inyong mga mukha. Everyday mag post po ako ng mga Bagong Job Available. At update ko po itong Blog ko everyday para po sa ating lahat. Masaya po ako na masaya din kayo syempre. hehehe. Nagyon katatapos ko lang po gumawa ng article yung Streetfoods at Kapamilya or Kapuso?.

Tapos nag lagay din po ako ng mga Bagong Job opportunities. Sakit nga ng mata ko grabeh hehe at least nasasanay akong mag type. WOW! Yun sana maging maganda ang araw nating lahat at mag mag papainit ang sakit sa ulo ng araw. Buti na lang medyo makulimlim d2 sa amin hehehe. Ingatz po palagi at wag mag papagutom. Lagi nyo akong bisitahin d2 po ah http://blog-item.blogspot.com/ yan mag kwentuhan po tayo. Kung may tanong po kayo or suggestions please feel free to leave a commnet and siguradong sasagot po ako.
Mga Ka Item ko, Salamat po ulit, Ingatz ang God Speed.

1000 Call Center Agents

1000 Call Center Agents (Customer Service and Technical Support Representatives) salary starts at 12k for qualified agent — Quezon City
Lokasyon: Quezon City, Metro Manila, Pilipinas
Petsa kung Kailan Pinost: Abr 01
Sahod: 12.00
Applicants must be an incoming 3rd year college with no back subjects
Must be confident in expressing himself/herself using the English language
Willing to work on shifting schedules (graveyard, weekends, holidays, etc..)
FRESH GRADUATES ARE WELCOME TO APPLY.
Willing to work in QUEZON CITY, ORTIGAS, MAKATI, and ALABANG
Send your updated curriculum vitae (resume)
TO: callcenterjobsforyou@yahoo.com
SUBJECT: space
ONLINE APPLICATIONS ARE PROCESSED IMMEDIATELY
Uri ng Posisyon: Full-time
Range ng sweldo: 12 - 20 Buwanan
Source OLX

JOB OPENING FOR : PART-TIME ENCODER - CLERK

computer — Quezon City
Lokasyon: Quezon City, Metro Manila, Pilipinas
Petsa kung Kailan Pinost: April 1

REQUIREMENTS
* Experienced in MS WORLD, EXCEL, POWERPOINT, Email, basic graphics, basic accounting forms
* Minimum of 2 yrs. College and one yr. encoding experience.
* Good health, good manners, good communication
* Speaks english, Filipino (Visayan too is an advantage)
* Willing to be interviewed
* Ready for immediate employment
PREFERED
* Female, single
* Quezon City residence....near Cubao-Kamias-Kamuning- UP area
* Able to work 4-5days weekly... 2-4 hours/daily, sometimes evening to 8pm
RESUME/BIO-DATA
* Fill-up 1-2 page form with a 2x2 picture
* Include numbers: Tel, Mobile, Email
* Email to: filtaompcoop@yahoo.com
* OR... deliver to: General Manager
67A K-8th Street, East Kamias, Quirino Dist. III,
Quezon City 1102
......near Ki Street & Holy Family Church

Kapamilya or Kapuso?

Bakit ba nga ang daming taong nag de debate kung sino ang Number 1. Hayz sana maisip natin na di naman tayo mag kakapera d2 hehehe. Wala lang naisip ko lang kasi ako dati nakipag talo na din sa isa kong tropa tungkol d2 pero hindi ko na sasabihin kung anong istasyon ako. Kaya susuriin ko based on my own!

BABALA: Opinion ko lamang po ito, ewan ko sa inyo hehehe...

Unahin natin pag dating sa mga "Bigtime na Artista" ok? 10 lang sa bawat Station ang kinuha ko. Sa Kapamilya sino sino ba ang ma ipag mamalaki nila? Una sa List ko ay si:





#1 Dolphy- No other that "The King of Comedy" Kahit na may edad na si Mang Dolphy hindi nating pwedeng alisin sa kanya ang Trono pag dating sa comedy. And until now, He is considered as one of the Institution not only in Channel 2 but in the Movie and TV Industry. Aba mahigit 50 years na ata siya sa industriya?.

#2 Kris Aquino- Siya daw po ang "Queen of Talkshow" . May mga ilang pa nga nag sasabi na siya daw ang Ophra of the Philippines. Madami siyang Shows at talga namang magaling itong artista.

#3 Willie Revilliame- Isang halimbawa ng "Rugs to Richest" as in super Yaman nitong si Willieboy ngaun. Di rin natin maitatago na itong si "Papi" ay super sikat at ang "Wowowee" nya. Although may mga asar talaga sa kanya pero overall isa siya sa top bill ng ABS-CBN.

#4 Maricel Soriano- "Diamond Star" wlang ka kupas kupas si Ms. Maricel, kahit saan mo siya ilagay ay talaga namang may Loyal supportes siya. Mapa Comedy, Drama, Action minsan, Love story , at ngaun Horror. Astig!

#5 Sharon Cuneta- Walang tanong tanong pa, siguradong kasama si Sharon, kahit isa lang ang show niya ay sobra namang dami ng kanyang endorsement as in. well she's the "Mega Star" kaya ganoon at wala ring kupas sa aktingan si Ms. Sharon.

#6 Sarah Geronimo and John loyd Cruz- Well as of this moment ay ang pelikula ata nila ang "Top Grosser of all time". Sarah and John is very good in the Big Screen dahil may chemistry sila pati Physics meron.

#7 Ai-ai Delas Alas- Counter part ni Mang Dolphy, si Ai-ai ang "Comedy Queen". Aba magaling naman talgang mag patawa si Ina Sa Tanging INa Nyong Lahat. and Also give extra credit to Eugene Domingo na kanyang partner.

#8 Cesar Montano- One of the best action star in the Philippines. Very natural sa action at nasubukan na rin ang comedy with Maricel. Pasado rin siya sa Hosting ngaun. One of the best.

#9 Piolo Pascual and Angel Locsin- Kahit na hindi daw gaanong kumita ang last movie nila pero di natin maikakaila na this 2 ay madami pa ring taga suporta. At itong dalwang ito ay sobrang taas ng TF dahil both of them ay may napatunayan na.

#10 Gary Valenciano- "Mr Pure Energy" More than 20 years na ata sa industriya pero hindi nawawala sa paningin ng tao. At hanggang ngaun ay mapapasayaw ka pa din sa bawat hataw at galaw niya. Ang galing na singer lalo na sa mga Gospel Songs.

* Special Citation is Judy Ann Santos, Aga Mulach, And Edu Manzano.

Counter Part nila ay ang GMA 7. Sino ba ang kanilang panapat na mga Bigtime Ta artist?

#1 Tito, Vic, and Joey- Hanggang ngaun kahit more than 30 years na ata ay talaga namang nakikiliti pa rin ang marami sa kanila. They have the Show "Eat Bulaga" na sabi ng iba ay number 1. Well para sa akin give them that credit because for a show that last for 30 years aba Grabeh naman. Si Bossing "Box Office King" si Joey naman ay talagang hari ng punchline.

#2 Richard Gutierrez- "Prince of PrimeTime" yun ang bansag sa kanya. Di naman kaila sa atin na halos lahat ng kanyang T.V Project ay talgang sinusubaybayan. Mulawin, Sugo, Captain Barbell, Lupin, Kamandag, Code name: Asero at ngaun Zorro.

#3 Manny Paquiao- "People's Champ" aba talgang swerte ang kapuso kay Manny dahil siya ngaun ang Pride of the Country. Sabi nga ng mga pulis di ba pag may Laban si Manny 0% ang Crime Rate? Pati kasi masasamang loob nakatutok tsk tsk.

#4 Marian Rivera and Dingdong Dantes- Hottest Love team sa ngayon. Sure hits ang kanilang mga soaps at madaming endorsement ang bawat isa. May mga loyal supporters na handang makpag saksakan ata. Hayz no Doubt Big Artist sila sa Industry.

#5 Robin Padilla- Original "Bad Boy of the Philippine Movie". Aba tataas ang kamay mo pag nalaman mo ang TF ni Binoe. hehehe Magaling naman talagang artista si Robin lalo na sa action at hindi matatawaran ang kanyang naiambag sa Pelikulang Pilipino.

#6 Sen. Bong Revilla Jr.- Bukod sa pagiging #2 Sa Senado ay ilan lang din siya sa Haligi ng Action Movies natin. Napag alaman ko na this december 09 ay lalabas ang Movie niya sa Filmfest na "PANDAY". Go Kap.

#7 Ms. Regine Velasquez and Ogie Alcasid- Well "Asia' Song Bird" and the "Song Writer". Pareho silang nasubukan na sa comedy lalo na si Ogie with Bubble Gang kasama ang partner niya na si Micheal V. Sila mga Ok na OK sa comedy. Regine is sobrang galing kumanta as in kasing taas ata ng Mt. Makiling ang boses.

#8 Eddie Garcia- Si Manoy, ang versitile actor din sobra. Aprub sa Comedy, the best sa action, Magaling sa Drama, Isang ring director and sa pag kakaalam ko in he's age of 88 yrs Old siya na ata ang pinaka matandang artista na super active pa rin sa showbiz hanggang ngayon.

#9 German Moreno- Si Kuya Germs ang isa sa mga haligi ng Shobiz. Famous line " Walang Tulugan".Sa dami ng artistang napasikat nito ay kulang ata ang notebook ko. :p at super taas ng ratings ng Show nya na Wlang Tulugan. Kasi biro ni Joey De Leon, "Sarado na ang Channel 2 pag nasa air na siya". But All in all Kuya Germs is still Kuya Germs.

#10 Janice and Gelli De Belen with Carmina- Sila ang mga Sis sa umaga. Well Matagal na din sa Showbiz ang tatlong ito at hindi rin nawawala sa paningin ng tao. Bawat isa sa kanila ay may napatunyan na walang dua kaya namng kasama sila sa Top 10.

* Special Citation Janno Gibbs, Joey Marquez, and Richard Gomez.

Note: Compare nyo na lang po sila at reply kayo sa comment at sasagutin ko po. Ilagay nyo po kung sino ang para sa inyo ang mas magagaling although alam naman nating puro deka Libreng Artista ang kasali sa dalawang Stasyon. Just Leave your Comment po. Salamat sa inyo at may Part 2 po ito next time. Salamat ulit at God Speed po.

STREET FOODS!!!

Isa ito sa mga pagkaing talaga namang paborito ng mga pilipino
( lalo na yung kagaya kong di naman mayaman Hayz), dahil bukod sa mura na ( mura pa ba?) ay masarap talaga.

PAUNAWA! Hindi ko po kayo niyayaya na kumain ng mga street foods dahil pwede kang mag karoon ng ibat ibang klaseng sakit lalo na kung sobra ang pagkain mo, kaya suriing mabuti ang mga ito.

Mayroon tayong ibat ibang klaseng street foods. ano ano ito sa # 1 spot ay ang:

#1 Fishball - Ito na yata ang all time #1 dahil bukod sa mura
( still .50 cents) ang bawat isa ay madalas pang makikita sa mga kalsada na tulak tulak o kadalasan ay naka sidecar ( Pang tamad or di kaya ay medyo may edad na kasi si kuya :p ) . Sarap kumain nito lalo na pag sumawsaw ka dun sa sawsawan. Kahit alam mong pang 2,549 na ikaw sa mga sumawsaw doon Ok lang.

- Chickenball- Kasama na ito sa fishball kasi madalas nakahalo ito sa kawali ni kuya. Mabili din ito kahit pa 2 pesos and isa. Mapapansing mas malaki ito dahil mahal nga pero pag natanggal na sa kawali ay liliit din dahil wlang nag hangin. Hayz.

- Squidball- Wow sarap din nito 2 pesos din ang isa hindi gaanong maalat di kagaya ng chickenballs ( nanira pa oh).

- Kikiam- One of my personal favorite ( awst wala akong kinikilingan ha) piso isa nito yung maliliit ha, kasi may tatay ito yung malaki 2 pesos ang isa. Masarap ito lalo na sawsaw mo sa maanghang. ( wag mo lang kagatin ng mainit pa ( Ouch, siguro 10 times na nangyari sa akin yun ang Iniiiiit. (Di na ako natuto hayz).

Nasa # 2 naman ang wlang kamatayang mga Ihaw- Ihaw.

#2 Ihaw-Ihaw - Siguro naman alam nyo ito dahil kahit sa bundok ay uso din ito. ( para sa mga nakatira sa Mars ito yung " ngit ngot krakk protok pekitik ngat ngot qwert tsuk" , salita po yan sa Mars) May iibat ibang klaseng ihaw ihaw :

Top List ay ISAW- ( Nag Laway ako dun ah) Manok yung parang mga (mawalang galang na sa mga kumakain ito yung parang "bulateng maliliit" ( suka mode ako) yun. parang mga pa letter "S" yun. range of price is 2 Pesos - 3Pesos.
Isaw ng BABOY- Ito sarap nito, Bilog bilog ito na hinati hati na kasi sa isang stick ay 3 hanggang 4 na piraso. Masarap sa sukang may sili. 3 pesos to 4 pesos ang range sa mga ganid na tindera 5 pesos.

Addidas- nung una ko itong marinig 7 yrs ago bata pa ako nun akala ko po talga sapatos ( sensya na tanga lang cute naman) Addidas sosyal pakingan pero PAA lang ng Manok. Sinubukan kong kumain nito ang pero maniwala kayo kahit siguro maka 20 piraso ako hindi ako mabubusog dahil puro balat lang at konting konting laman as in! ang makakain mo. 3 pesos ang isa.

Betamax- Betamax? paano kaya kung ngaun lang ito nauso baka ang tawag d2 ay "DVD" o kaya naman ay "Ipod" DUGO ng manok. nakatikim na dina ko nito ok, masarap para kang kumakain ng pulburong basa. ( mawalang galang sa mga kapatid ko sa Iglesia bawal kasi ito sa kanila). Kalimitan ko itong nakikitang kinakain ng bata dahil siguro wlang buto, hindi makunat, malambot at madaling lunukin. Paborito din ng mga Senior Citizen dahil di na kailangang nguyain sa mga bagang na lang ang natitira. Lunok na alng ng lunok. 3 pesos per piraso.

ULO- Yup ulo ng Manok. Sa totoo lang di pa ako nakakakain nito as in hindi pa. Di ko mai-magine na kagatin yung ulo awts. May tuka pa yun tapos di ba may Skull din yun. ( Kaya nga hindi ako nakain ng Balot dahil may Sisiw, tapos may tuka yun awst. Ulo pa kaya ng Nanay ng sisiw ang kainin ko kamusta naman ako nun? ) Ewan ko kung anong lasa nito. Pero ayoko talaga bahala kayo hehehe. medyo mahal ito 8 pesos ang isa.

Balat- Ito pwede pa. Iwas lang po sa matataas ang dugo dahil balat ng BABOY ito. Masarap pag tustado dahil medyo crunchy wow. BABALA: Wag lumampas sa 5 stick nito dahil makakaramdam ng pag kahilo, sasakit ang batok at aantukin. Ang dahilan "Sobrang Katakawan". 3 pesos to 4 pesos bawat isa.

Bulaklak- Oh my Gas! Ang sarap nito kaya lang medyo may kamahalan sa 7 pesos to 8 pesos ang bawat isa. Pero sulit naman ito dahil parang kang bubuyog na sisimsim ang bulaklak sa kasarapan. Siguraduhin mo lang na lutong luto ang loob dahil kadalasan ay hindi luto ito. Ang lansa nito pag hindi luto wapak!

Hotdog- Number 1 sa mga bata. Lalo na kung Juicy dahil magiging bibbo sila. Masarap sa tinapay na may Ketsup at Mayonaise. Yung ibang tindera hahaluan ng ketsup at konting mayo, tapos tubig atws. tinipid? sa hirap nga naman ng buhay. 10 pesos ito 12 pesos kung may tinapay. Sa mga Mall 25 pesos ito at 30 pesos pag may tinapay pero sawa ka sa Mayonaise at may mustard pa.

LAst but not the List ay ang BBQ- Ito ang pinaka Sosyal at pedeng pang mayaman na ihaw-ihaw. Dahil gawa ito sa karne. Masarap lalo na kung magdamag binabad sa toyo at sprite. Medyo mahal po ito ang range ay 12 pesos to 15 pesos.

Itong susunod ay hindi ko po alam ang tawag? Yung mga naka sidecar na may timba tapos piniprito yung parang laman at taba ng baboy. (Napag kamalan ko nga sila dating nag titinda ng timba, tabo at batsa amf! ) Kulay "Orange" ito, tapos ang kasama nito ay BAGA ng baka po yata. Masarap pareho ito. Yung laman na kulay orange ay 3 pesos at yung baga na kulay black ay 2 pesos. Bihira po ito mamamataan lang sila sa mga gilid ng palengke, simbahan, at talipapa.

Kwek2X- The Famous Before? KAsi noong unang lumabas ito ay talga naman sobrang Sikat. Halos lahat ay ito ang bukambibig. Itlog na binalot sa arena. Personally masarap ito pero ayoko na munag kumain nito dahil pag nakikita ko nauuta ako hehehe. May maliit nito yung itlog ng Pugo. Iba pang tawag ay Tokneneng sa maliit na itlog at sa malaki ay Toknanay sa malaki. Yung Toknene ay 2 pesos ang isa at yung Toknanay ay 6 pesos.

Calamares- Ito yung breaded pusit na sobrang sumikat din. Halos magkaubusan nga ng tinda dahil talgang kinagat ng masa. Nakita ko nga yung isa si Kuya, vendor ng fishball naging vendor na ng pusit. Mas mabili daw at mas malaki ang kita. 3 pesos ang isa nito at pag naumpisahan mo ay hindi ka titigil hanggat may pera ka. Mapapansin mo na alng na nag lalakad ka pauwi dahil pati pamasahe mo naibili mo na. Hayz ok lang busog naman.

Syempre puro "Pambara" yung na pag usapan natin yung "Panulak" naman. "Sa palamig kayo dyan oh! Palamig , palamig! ( Pasigaw ito na babasahin)" Una una sa listahan ay ang

BUKO juice- Masarap ito lalo na kung malamig. Minsan nga lang sa dami ng yelo ay lasa ng "TuBIG" . Aguy. Kaya sabihin sa Tindero at tindera na " Kuya pag lasang tubig ito padagdag ha" Ginagawa ko po iyon. Aba 5 pesos yun ha. may iba nilalagyan ng gatas. Pampasarap siguro. Mabibili mo ito na naka plastik or baso na maliit.

Melon - Parang Buko, Kinadkad na Melon at hahaluan ng Asukal. Minsan ay halos hindi mo makita yung mga kinadkad na melon dahil Isang melon ata yung nilagay tapos 2 timbang tubig at 3 kilong asukal ang nilagay. Para ka tuloy uminom ng Tubig na Matamis. Mas maganda na ito sa Buko Juice na lasang tubig lang. 5 pesos din ito. At yung iba hinahaluan din ng gatas pero sobrang konti lang at ng tanungin ko sila kung bakit? sabi sa akin " Pogi, walang basagan ng TRIP".

Sago't Gulaman- Pinag halo ito tapos lalagayan ng kinaskas na yelo at arnibal. Mabisang pang alis ng uhaw. BABALA: Wag inumin pag sobrang uhaw ka dahil pag ininom mo ito, kahit makadalawang baso ka mas lalo kang mauuhaw. Makakaranas ng pangangati ng lalamunan. Mas doble ang gastos dahil mapapabili ka ng Buko Juice. 5 peso ang isa.



  • Halo2X- Ito na yata ang "Summer Drink" sa Pilipinas. Kahit may kamahalan wala pa ring tatalo sa dito. Marami lang naging issue dito. Una: Ilan ba talaga ang Ingridients or sahog nito para matawag na halo halo? KAsi may iba na meron lang sago, pinipig, gulaman, at konting beans tapos sang tambak na yelo, hahaluan ng konting arnibal at sobrang konting gatas, Presto halo halo na. Hayz tama ba yun? Pag hinalo mo ito sasakit ang ngipin mo kakakain ng Yelo na minsan ay buo buo pa. Pangalawa: Minsan imbes na Ube ang nasa ibabaw ay Kamote ang nialalagay, "Anak ng Kamote naman Oh". Pangatlo: sa mga bumibili wag nyong ikumpara ang halo halo sa Chowking at halo halo sa kung saan saan. Masama yon, Wag ganun! May narinig kasi ako sabi nya" Bakit sa Chowking ang daming beans ito parang apat na piraso lang ata." Narinig nung tindera at binigayan siya ng 20 pesos at sabi " Ayan bente yan pumunta ka sa palengke bumili ka ng 1 Kilong Beans. Wapak!!! Yung babaeng bumili ng halo halo nanliit kasinglaki ng Beans sa Hiya." ..... Pangapat: Sa mga presyo ng Halo halo? Sa iba may 15 pesos regular, may 20 pesos Special, 25 pesos Super Speacial, 30 pesos Mega Special kasi may Ice Cream sa ibabaw, at 50 Pesos " Sa iyo na yung baso pwede mo nang dalin sa bahay".

Marami pang ibang Street Foods Kaya lang sa susunod na kasi masakit na ang kamay ko papahinga muna ako. Yung iba ay Balot , binatog, Puto ( Ito ang tawag sa lalaking Puto ano naman pag babae ang puto ano ang tawag?............. Kutsinta po pag babae), Dirty Ice cream, at kung ano ano pa. Salamat po sa pag bababsa sana ay nakapulot kayo ng kaalaman at kung may comment po kayo mag iwan lamang at sasagutin ko po sa lalong madaling panahon.

P.S. Comments should be in pure "Tagalog" because the author cannot write in English. He can read English but after 5 minutes there will be a "Brain Hemorrhage" So please have merci Write in Tagalog. ( Ito ang Joke na Hindi Nakakatwa AMF!)

Salamat Po ulit sa inyo God Speed po!!!