Tuesday, March 31, 2009

Katrina, nangayayat sa intriga!

INAMIN ni Katrina Halili na nagkita at nagkausap na sila ng ex-boyfriend niyang si Bullet Jalosjos. Pero, wala raw reconciliation na nangyari sa kanila.
Kuwento ni Katrina, simpleng kuwentuhan lang ang nangyari sa kanila ni Bullet. At naging pagkakataon din daw `yon para ipamukha niya kay Bullet na ito talaga ang may kasalanan kung bakit nauwi sa wala ang relasyon nila noon.
Giit pa ni Katrina, sa pag-uusap nilang `yon ni Bullet, doon daw niya napatunayan na burado na talaga sa puso niya si Bullet.
Ipinangalandakan ni Katrina na gusto muna niyang patahimikin ang buhay niya. Meaning, hindi na raw muna siya tatanggap ng mga lalaki o mga manliligaw.
Ayaw raw niyang makipag-relasyon ngayon. Kaya kahit may mga lalaking nagpaparamdam na gusto siyang ligawan, deadma raw muna siya.Hindi pa alam ni Katrina kung hanggang kailan niya dededmahin ang mga manliligaw niya.
Sa totoo lang, hindi man sabihin ni Katrina, halata na may trauma siya sa mga lalaki. Sabi ko nga, parang pinaglaruan o pinaglalaruan lang siya ng mga nakakarelasyon niya.
Sa ngayon, ang goal ni Katrina ay lalo pang pagandahin ang kanyang career.
At natutuwa si Katrina, dahil kahit nadamay ang pangalan niya sa nangyari noon kina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho, unti-unti ay nagdaratingan pa rin ang suwerte sa kanya.
Si Katrina ang endorser ng Bench Body ngayon. At sumusumpa siya na hindi siya nagpa-lipo bago nagpa-pictorial. Wala raw daya ang mga naglalabasan niyang larawan ngayon.
Sabi pa niya, malaki raw ang naitulong ng mga intriga sa buhay niya sa pagpayat niya. Mabilis daw makapagpapayat ang problema at intriga. Source Abante

No comments:

Post a Comment