Tuesday, March 31, 2009

GMA 7, Naghahanap ng Superstar..

GUSTO mo bang sumikat bilang mang-aawit? Mag-uumpisa na ang pre-screening ng GMA 7 para sa superstar search na Are You The Next Big Star? ngayong Abril sa Luzon at Metro Manila. Open ang audition sa lahat ng amateur at professional singers, male or female, 16-24 y/o. Opo! Maaring sumali ang mga dati nang may propesyonal na karanasan sa pagkanta basta sila ay walang existing recording contract at walang ‘mainstream appearance’ noong 2008. Ang mga sumusunod ang mga schedule at lugar para sa audition -- Abril 2 & 3 sa SM Baliwag, Abril 18 sa SM Batangas, at Abril 24 & 25 sa SM Marikina. Magsisimula ang audition nang 10:00 AM. Magdala ng isang ori­ginal at isang photocopy ng birth certificate, valid ID, dalawang litrato (isang full body at isang close-up), at dalawang audition material (dalawang minus one CD).

No comments:

Post a Comment