Wednesday, May 6, 2009

Ang Aking Nararamdaman....

Simula ng sabihin ko sa Blog na ito na inlove ako... Sobrang nalungkot ako. May mga tao kasing medyo nasaktan at nabigla sa aking pag tatapat na in love ako. Pasensya na po, kung pwede lang pigilan ang puso na hindi tumibok ginawa ko na. May mga naka intindi pero mayroon ding hindi. Mahal ko iyong baby ko. Mahal ko siya. As of this moment gusto kong sabihin sa mga taong nasaktan ko na sorry, pero hindi naman ako mag babago. May nadagdag lang sa akin pero ako pa rin ito. Bawat isang tao ay may nakalaang magmamahal sigurado iyon. isa lang naman akong simpleng tao, kaya nasasaktan din ako. Ikaw..

OO ikaw. Wag ka namang lalayo sa akin, wag mo naman akong iwasan or what. Wala namang nag bago ganun pa rin ako gaya ng dati. Kung kailangan mo ng tulong or ng kausap im willing to listen. Napaka understanding naman ng baby ko. Walang nag bago sa akin ok? Nag hahalo tuloy ang aking nararamdaman. Masayang malungkot. Masaya dahil sobrang mahal ako ng baby ko at mahal ko din siya, Malungkot dahil may mga taong hindi ako naiintindihan. Basta dito lang ako palagi po. Yun pa rin ako yung dati, makulet, palabiro, palatawa at masayahin. Sana lang nandyan pa rin kayo kung ako naman ang nangailangan. Mahal ko kayo kasi kaibigan ko kayo. Bhe, wag mong isipin na nag pa gulo ka sa buhay ko ha? Ikaw nga po yung nag dagdag ng kulay sa simple kong buhay. Sana lang wag mo kong iiwan at lalo na ipag palit po... Hayz basta. Bhe mahal kita, at hindi ko kakalimutan ang mga bilin mo. Mahal ko kayo iyon po ang totoo yan po Ang Aking Nararamdaman......

No comments:

Post a Comment