Thursday, May 7, 2009

Napaka GAGO ko!!!

Anak ng.... Ayon nangyari nanaman ang hindi ko inaasahan. Bakit ganon nasaktan nanaman ako? Bakit ba kasi ambilis kong maniwala. Hayz hindi na ako natuto, ang tanga tanga ko sobra. Halos binigay ko yung time ko sa kanya doon sa tinawag kong baby. AMF talga naasar ako sa sarili ko kasi naloko nanaman ako. Ikaw hindi ako galit sayo. Sa sarili ko ako galit as in galit na galit. Alam ko binigyan mo ko ng time mo at napaniwala mo ako sa mga sinasabi mo,, halos mawala pa nga iyong mga taong importante sa akin dahil sayo!!! Tapos malalaman ko sinungaling ka pala. I admit nag sisinungaling din ako wala namang perpekto sa mundo. Pero sa taong mahal ko parang ang hirap mag sinungaling, nakaka konsensya. Pero ikaw mag sinungaling ka sa akin ng harap harapan sobra naman! Inamin mo naman yung mga mali mo.

Hindi ako naniwala inantay ko iyong mga paliwanag mo. Parang binagsakan ako ng pader nung sinabi mong "OO nag sinungaling ako!" parang proud ka pa noong sinasabi mo iyon. at ng tanungin kita kung bakit sabi mo " Gusto ko lang" Shit ano iyon? Nag sinungaling ka dahil gusto mo lang. Ni kahit anong salita walang paliwanag. Ikaw ang nag sabi importante yung TRUST, paano naman ako ngaun mag titiwala sa taong ginagago ako ng harapan. At ang dahilan " Gusto ko lang". Napaka gago ko talaga. Tama sila mahirap maghanap ng otoong tao sa "chat". May nakita ako mukang lalayuan pa ako dahil sayo. Sana lang ako na yung huling tao na gaganituhin mo. Wag mo namang gawin sa iba dahil "Gusto mo lang". I know everybody deserves a 2nd chance pero para sa mga taong hindi sinasadya ang kanilang kasalanan. Maybe sa situation natin iba kasi, parang sinadya mo at again nag sinungaling ka kasi "gusto mo lang".

Ikaw magbago ka na mahirap maloko. At tama sila walang manaloloko kung walang mag papaloko. Malas ko lang nalinya ako sa naloko. Doon sa taong lalayo, wag naman please. Baka pag lumayo ka hindi na kita makita. Sana mabasa mo pa ito. Sana its not to late pa. Im Sorry. Mahina ako madaling mag mahal. Ngayon sasabihin ko sa puso ko tama na muna, Wag muna para akong sinaksak sa likod, ang tindi. Tagos sa laman at buto ang sakit. Baka sabihin nung mga nag babaasa ang drama ko na pasensya na po ha, wala lang mapag labasan. Mas masakit kung sasarilinin ko. Buti nga nandyan kayo kahit papaano may nasasabihan ako. Kelan ba ako matututo? Kevin matuto ka na kasi. Gusto kong sumigaw ng sobrang lakas hanggang mapaos ako baka sakaling marinig ako ng nasa Itaas. hay pero matibay ako, hindi ako papatalo sa amon ng buhay. Ginusto ko yun, pinasok ko iyon kaya walang dapat sisihin kundi sarili ko. Salamat po sa inyo. I will be smart next time at sana ito na ang huling pag kakataon na sabihin ko sa sarili ko na " Napaka GAGO ko!!!

1 comment:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete