Thursday, May 7, 2009

Joke sa araw na ito

***

“IBON.”Iyan ang sagot ni Pacquiao nu’ng tanungin siya kung ano ang brand ng make-up ni Jinkee.

***

“Si Pacquiao ay mabait at nakakatuwa.”
Send this to 50 people na nasa contacts mo or else…
magiging kamukha mo si Aling Dionesia.
Marami nang dumedma rito at nagsisi…

***

“Pagkagaling namin ng Las Bigas, pupunta naman kami sa L.E.” – PACMAN

***

Sa airport…
REPORTER: Wala na bang atrasan ang pagpasok mo sa pulitika?
PACMAN: No, mister! Donut tenk polytext is good poor boxers… you know!
REPORTER: So… hindi pala totoong muli kang papaimbulog sa pulitika?
PACMAN: But I have registered with Comelec my own party… PIPOLS CHAMP! You know.
REPORTER: Tuloy ka pala?!
PACMAN: Now you know!

***

Nakapasok ang isang palaka sa Malacañang Palace.Nagulat si Ate Glo dahil nang kumokak ang pa­laka, ang tunog nito ay parang, “Korap! Korap! Korap! Korap!”Aba! Gifted frog!

***

What is FOLLOWED?FOLLOWED is an act of loading your cell if maintaining balance is 0.Ex. “Manang, FOLLOWED po ng P30.” ‘La Load? FOLLOWED ka na!

***
APO: Lola, ang sarap naman po ng tapa na nasa platito. Malinamnam na malinamnam po!
LOLA: Ay, naku! Hindi tapa ‘yun, apo! Binakbak ko lang ang sugat ko!

***

GMA: Erap, may gift ako sa ‘yo! Galing-India, 8-foot snake!
ERAP: Ows?! Niloloko mo ‘ko! Hindi ako ganu’n katanga!
Walang feet ang snake! Tapos, walo pa?! Octopus ‘yun, eh!

***

MIKE: Pare, niloko ko ‘yung tindera kanina! Ha! Ha! Ha!
EDWIN: Ows, di nga? Pa’no?
MIKE: Nagpa-load ako, pare… eh wala naman akong cellphone! Ha! Ha! Ha!

***

DALAGA: Red Horse ka ba?
BINATA: Hindi. Bakit?
DALAGA: Ang lakas kasi ng tama mo.
BINATA: Ganu’n? Ikaw yata ang Red Horse, eh…
DALAGA: Bakit naman?
BINATA: Wala lang. Mukha kang kabayo, eh.

***
Motto is like kuto that makes kamut-kamot your ulo.

***

“Walang malayong kulangot sa mahabang kuko.”
Napakagandang quote.It signifies determination,
creativity and hope. Sana, ma-inspire kayo.

***
Ang MAGSYOTA…Pag pangit ang lalaki at maganda ‘yung babae, ang tawag d’yan ay DISKARTE.Pag babae ang pa­ngit at gwapo ang lalaki, ang tawag d’yan ay GINAYUMA.
Pag pareho silang maganda, ang tawag d’yan ay ITINADHANA.At kapag ang magsyota ay parehong pangit, ‘yan ang tinatawag na NO CHOICE!

***

Sa buhay natin, may mga tanong na mahirap sagutin.
Bakit kailangan pang magmahal kung masasaktan lang?
Pero naitanong mo na ba sa sarili mo kung bakit walang malaking Yakult?
Bitin kasi, eh! Sana, merong Yakult Litro!

***

Words to live by:
“Kung may balak kang gawin ngayon, huwag mo nang ituloy.
Sige ka… wala ka nang gagawin bukas.”

***

Katangahan bang lumapit ako kahit umiiwas ka?
Magpapansin kahit binabalewala mo ako?
Maghintay kahit sa wala?Ako ba ang tanga dahil umaasa pa?
O ikaw dahil sa gwapo kong ito, tatanga-tanga ka?!

***

Kung ang ikaliligaya mo ay ang paglayo ko…
Aba! Huwag kang mag-alala!
Lalapit-lapitan pa kita, huwag ka lang sumaya! Bwahaha!

***

Pareho lang kaming masama…
Ang ipinagkaiba lang namin…
sa akin, ugali.Sa kanya, mukha.

No comments:

Post a Comment