Saturday, May 16, 2009

Sa likod ng Saya.....

Mga tsong at tsang pede po bang mag kwento? iiksian ko alng po para hindi naman kayo ma "bored". May isang tao kasi na sobrang masiyahin at talga namng pag kasama mo siya ay hindi maaaring hindi ka tatawa. Hindi ko maintindihan ang taong ito kasi para sabi niya gusto niya daw ay palaging masaya ang mga tao sa paligid niya kay ayun nag bibitiw siya ng mga jokes. Sabi nga nung isang kaibigan niya, " Bakit ganoon, narinig ko na yung Joke na sinabi mo pero nung sinabi mo ulit sobrang natatawa pa rin ako, kahit yung iba?". Sa isip ko na lang eh yung taong ito ay may kakaibang paraan kung paano mag deliver ng jokes niya. Masayahin itong taong ito, kapag nanliligaw nga ito sa mga chiks laging ang unang sinasabi "Binobola mo lang kami". Pero hindi alam nung iba na sa kabila ng saya ay napaka seryoso pala ng taong ito.

Sa labas ang pinapakita niya ay puro saya, ang tanong tuloy ng mga kakilala niya, " May problema pa kaya ang taong ito?". Kasi naman ang pananaw ng taong ito sa problema ay tawanan mo lang daw at wag mong masyadong isipin ang problema. Bigla na lang daw dadating ang solusyon. "Problema na nga pro problemahin mo pa?" Dagdag pa niya ang problema pag lalo mong hinanap ang solusyon parang mas mahirap makita. Ganoon daw, ang tingin ng mga tao sa paligid niya ay "Man of a million jokes". Pero kahit naman ganoon pa minsan minsan ay napka corny ng taong ito as in sobrang mais. Pero ang mapapansin mo tatawa na alng din ang mga kasama niya dahil naman sa ka kornihan ng joke. Kagaya ng kasabihang "laughter is the best Medicine" ito mismo ang isa sa paboritong motto ng taong ito. Pero kagaya ng iba, may malalim palang problemang dinadala ang taong ito. Sa bawat ngiti at saya ng dala niya sa mga mukha ng taong mahal niya ay lungkot at luha ang kapalit sa araw araw. Mahina ang taong ito, sabi nga ng niya sa sarili niya ay duwag siya.

Kasangakapan niya ay ang saya at tuwa para mapag takpan ang kanyang mga problema. Tama ba ito? Mali ba ang naging basehan ng taong ito? Hindi naman ganoon ka relihiyoso ang taong ito, ang pag kaka alam ko ay isa siyang "Born Again" o yung tinatawag nilang Christian. Lately ang pag kakaalam ko ay nag babasa na siya ng Bible at napapdalas ang pananalangin niya kay Hesus. Well hindi ko siya masisisi at kung ako naman talga ay unang lalapitan ko si Lord kapag nangangailangan ako. Sa isip na lamang ng taong ito na kaya binigay sa kanya ang mga problema ay kayang i handle or dalhin at lagpasan ang mga suliranin sa buhay. Importante lamang ay may Diyos tayo sa ating buhay at tanggapin natin na si Hesus ang nag iisang tagapag ligtas ng mundo.

Hindi masama ang tawanan ang problema. Pero dapat alamin natin kung kelan dapat lumugar o di kaya ay ilugar ang ating sarili. Minsan kasi ay nag biro ang taong ito sa kanyang kaibigan na may mabigat na problema ngunit sa halip na mapasaya ay lalong na pikon ito. Sabi tuloy niya sa sarili niya ay hindi na siya mag papatwa. Pero likas na siguro sa taong ito ang pag papasaya. Sabi niya sa likod ng mga problema ay mananatiling malakas at nakatayo siya. Ang pinag huhugutan niya ng lakas ay ang Diyos, Pamilya at mga kaibigan niya. Wag lang daw may mawala at hindi niya alam kung paano mag sisimulang muli. Sabi ko sa kanya ang pamilya at kaibigan ay pwede siyang iwanan, Pero ang nag iisang Diyos na buhay kahit kailan hindi siya tatalikuran. Kahit pa minsan ay tinalikuran mo siya, Hindi ka niya papabayaan dahil mahal na mahal ka niya.

Natandaan ko tuloy ang sabi ng Pastor namin. " Ano kaya ang pakiramdam ng maging anak ni Bill Gates? Napakayaman at halos wala ng pinoproblema. O kaya naman maging anak ni Manny Pacquioa? Sikat sa halos lahat ng parte ng mundo at hindi mo alam kung may pinoproblema pa? Ang swerte sigurong maging isang anak ng mayaman, sikat na artista, o di kaya ay makapangyarihan pulitiko. Ano sa tingin nyo napaka swerte di ba?
Halos lahat kami ay sumang ayon sa aming Pastor. Sabi tuloy niya " Mas ma swerte tayo sa lahat. Bakit? Isipin niyo...... Ang Ama o Tatay natin ay ang Diyos. And Diyos na may ari ng lahat lahat sa Mundo. Siya na gumawa ng lahat ng bagay buhay man o hindi buhay. Ang isipin natin ay kung anong meron tayo at wag kung anong wala tayo. Pag inisip ninyo yan hindi kayo maiingit sa kahit kanino."

Kaya ang problema andyan yan lagi. Kasama sa buhay natin. Wag lang tayong susuko at manatili tayong lumalaban hanggang sa huli. Pag kasama mo si Hesus wlang imposible. Ang saya Siya din ang nag bibigay. Kaya manatili tayong nakangiti sa hirap ng buhay. Hanggang may buhay may pag asa at hanggang may Diyos ka sa puso mo hindi ka niya papabayaan. Manalangin ka lang , Lumapit ka sa kanya at makikita mo sasagot siya. Kasama talaga ang lungkot sa likod ng Saya.....

1 comment: