Wednesday, May 6, 2009

Joke sa araw na ito

“Hindi lahat ng tulog, nasa kama!” – HATTON

***

BAGONG PELIKULA!Nora Aunor, bida sa Ang Totoong Buhay ni Mommy Dionesia: Paano Ba Ang Maging Isang Ina? Sigurado, tabo sa takil­ya ‘yan. Kabog ang Tanging Ina N’yong Lahat!YES!
Pacman as himself!
Marian Rivera as Jinkee Pacquiao!
Yul Servo as Daddy Rosalio Pacquiao!
Angel Locsin as Dyan Castillejo!
John Rendez as Freddie Roach!

***

MANNY: Ricky, so what now?
RICKY: Now I know. Let’s just play darts.MANNY: Ok.
RICKY: No more boxing. Ok, let’s play darts!
MANNY: Ok! Many rounds! Not just two, I assure you!

***

“Mahirap iwan ang mahal mo… Mahirap tanggapin. Pero mas mahirap kapag months ang training mo, tapos, hanggang se­cond round ka lang.” -- HATTON

***

Sa boxing training, nasuntok nang malakas ni Pacquiao si Onyok.
ONYOK: Out! Out! Ang sakit, ha?!
PACQUIAO: Anung out?
ONYOK: Di ba, pag masakit, ‘out’ ang sinasabi?
PACQUIAO: Ha! Ha! Ha! Ka’katawa ka, dong! Anung out? Baka OUTS!

***

BALITANG ENGOT!
World Healthy Organizations, may babala! Grupong Greenpeas, naalarma! At para sa balitang sports, laban nina Ricky Hatton at Manny Pacquiao, uulitin!At ngayon, para sa mga detalye…World Healthy Organizations, may babala dahil sa pagkalat ng FMD, swine flu at bird flu. Baka ang mga tao ay maging vegetarian na lang!Grupong Greenpeas, naalarma dahil magiging vegetarian ang mga tao, baka mga puno, kainin na rin at maubos!At para sa balitang sports… Laban nina Ricky Hatton at Manny Pacquiao, uulitin nang anim na beses para eksaktong 12 rounds!

***

NEWSFLASH! The Nevada Boxing Commission has revoked Manny Pacquiao’s license.Pacquiao’s urine samples have too much drugs found in Alaxan 4T and Datu Puti.

***

Sa isang commercial…
ANAK: Dad, pwede po bang magtanong?
DAD: Oo naman, anak.
ANAK: Thank you.

***

Kapag ipinagpalit ka ng mahal mo sa pangit… mayaman ‘yun.Wala kang choice kundi ang mag-move on!Krisis, eh!

No comments:

Post a Comment