Monday, May 4, 2009

In Love Ako....

Sabi ko sa sarili ko hindi na muna ako ma i inlove. Sabi ko sa sarili ko ayoko na munang masaktan. Sabi ko sa sarili ko masaya naman akong single. Sabi ko sarili ko kaya kong mag isa basta andyan ang pamilya ko, kaibigan at si Lord. Nag kamali ako!!! Sobra, kasi sa sarili ko sinabi lahat iyon. Dapat pala sa PUSO ko. Ayon tumibok ulit ang puso ko. Nakakatakot kasi matigas ang ulo ng puso ko. Hindi ito kagaya ng ibang puso, yung puso ko may sariling pag iisip. Kagaya ngaun ako iyong napasunod ng puso ko. Kung pwede lang na lagyan mo ng mighty bond yung puso ng isang tao para tumigil muna sa pag mamahal di ba? Pero na realized ko na hanggat tumitibok ang puso ng isang tao hindi siya pwede tumigil sa pag mamahal.

Kaya ito ako ngaun sumusugal sa taong mahal ko. Kahit pa mag kalayo kami ay sobrang mahal ko na siya. Sabi naman niya mahal din niya ako. Siya ang baby ko. Sabi ng baby ko mas OK daw sa ngayon na mag kalayo kami. Mas nalalaman daw ang importansya ng isang tao pag mag kalayo. Sabi ko nga sa baby ko hayaan mo beh, pag magkasama na tayo hindi kita iiwan. SAbi ko din malilimutan ko lang siya pag nag ka amnesya ako. Mahal ko itong baby ko sobraaaa. Noong una natatakot ako sobra as in mahirap kasi . Sobrang napakasakit masaktan po ah!!! Siguro po maiintindihan ako ng mga taong nasaktan na dahil sa pag ibig. Ako, sabi ko na alng sa sarili ko i will take the risk. Mahal ko talaga. Ma miz mo ba naman kada minuto. Kahit anong gawin ko bigla na lang siyang napasok sa isip ko?? Nag tataka nga ako may kakamabal ba ang baby ko? kasi napasok siya sa isip ko eh ang pag kakaalam ko nasa puso ko siya!!!

Ayon kaya masaya ako ngayon kasi may taong nag papasaya sa akin. At syempre may inspirasyon na ako. Beh I love you po! Maaring maraming tao na humadlang sa atin pero wag tayong mag papa apekto doon ha? Hindi importante yung sasabihin ng iba, hanggat wala tayong tinatapakan or nasasaktan tuloy lang tayo. Mahal na mahal kita beh... Sobra basta honest lang tayo sa isa't isa at Trust. Kaya natin ito. Pag nalagpasan natin lahat ng problema na mag kalayo tayo feeling ko wala ng makakapag hiwalay sa atin. Batsa kung makabitaw man ako wag mong bibitawan ang kamay ko ha. I lab u. Tsaka wag ka ng mag papa pasok ng iba sa puso ko. Lahat ng may susi sa puso ko babawiin ko na hehe. Ikaw lang ang may hawak pati yung bintana isarado mo po ah baka kasi may dumaan doon. Ayun next time na lang ulit kwentuhan ko po kayo. Salmat po sa pag babasa. Basta Mahal ko Baby ko walang kokontra ha. Beh ang pinaka totoong sasabihin ko sayo ay Mahal kita at kayang kong sabihin sa buong mundo ngayon na "In Love Ako".......

No comments:

Post a Comment