Friday, April 3, 2009

SIR X

Dear Sir X,

Itago nyo na lang po ako sa pangalang Buboy. Isa po ako sa milyon milyon po ninyong taga hanga. Ako po ay lubos na matutuwa kung mapipili ninyo ang aking munting sulat para ibahagi sa inyong mga mambabasa. Ako po ay labing siyam na taong gulang (19 yrs old) at nakatira sa probinsya sa Ilocos. Hindi na po ako nag aaral dahil sa kahirapan ng buhay at ako po ay tumutulong na lamang sa aking Ama sa bukid. Nangyari po ang aking karanasan ng minsan pauwi po ako galing sa bukid. Nag paiwan po ang aking Ama dahil na rin hindi pa tapos ang mga gawain doon at pinauwi na po niya ako para makakuha ng tanghalian. Habang nag lalakad po ako ay naisipan kong dumaan sa may batis na may magandang talon (falls). Nang malapit na po ako ay naisipan kong maligo dahil na rin sa init ng araw, sa isip ko po ay mag mamadali na alng ako para hindi mapagalitan. Nag tanggal po ako ng aking T-shirt at syempre po medyo malaki ang aking pangangatawan dahil sanay po ako sa gawaing bukid Sir X.

Laking gulat ko na alng po ng may nakita akong naliligo doon. May nauna na po pala sa akin. Hindi po ako nag pakita dahil baka ma abala siya at matakot sa akin. Sir X napakaputi niya po, ang ganda ng ktis niya Sir X at ang tubig ay dumadaloy sa kanyang katawan ay nakapanabik. Lalo pong nadagdagan ang Init na nararamdaman ko sa aking katawan. Pinag masdan ko po siya habang naliligo, Ang ganda ng balat niya at ang puti, tisay na tisay siya at nasisinagan pa ng araw ang kanyang mala porselanang kutis, Sir X kung alam mo lang gusto ko nang sabayan siya sa paliligo. Nanigas po ang
aking @#$% sa aking nakikita. Marahil ay sa pagod na din. kitang kita ko ang malulusog niyang mga dibdib na wari bang nang a anyaya sa akin. Natakam ako sa aking nakita para bagang gusto kong dedehin ang mga ito at lamutakin sa aking mga palad. Naisip ko nakayang kaya kong dakmain ang mga ito. Pasensya ka na Sir X sa aking mga kwento talagang hindi ko lang mapigilan ang aking sarili sa pananabik.

Hindi na ako nakatiis Sir X at dahan dahan akong lumapit. Tinanggal ko na din ang aking pantalon para kung tumakbo man siya ay maabutan ko. Tanging brief na alng ang saplot ko sa aking katawan at parang gusto ko na din tanggalin tutal wala namang tao doon. Lumapit ako ng dahan dahan, wala siyang kamalay malay halos isang dipa na lang ang layo namin. Sir X nakita niya ako SHit. Hindi siya naging maamo at binirahan niya ng takbo. Hindi ko na din hinabol dahil ang bilis niyang tumakbo. Pesteng baka yun. Alaga siya ni Mang Temi, ka papanganak niya pa alng kaya alam kong maraming gatas sa dibdib niya. Sayang sobrang gutom ko noon Sir X kaya iba ang pakiramdam ko sa baka. Sa mga mambabasa wag kayong mag papagutom iyan po ang payo ko. Sana ay may natutunan kayo sa aking munting kwento. Salamat Sir X.

Gumagalang,
Buboy


Mawalang galang sa yo Buboy,

Kumag ka, AMF ka at isa kang Sakit ng ulo. Akala ko pa naman ay yun.. Binitin mo ako Buboy at ang mga mambabasa ko bwisit ka, akala ko pa naman ay may mangyayari. Bweno sa iyo Buboy masama ka pa lang nagugutom, bawasan mo iyan dahil maarin kang mag kasakit. Ingatan mo ang sarili mo at wag ka nang dadaan sa batis na yan. Baka sa susunod ay kalabaw, kabayo o kaya kambing naman ang makita mo. Ingatz na alng Buboy. ( nsayang ang oras ko dun)..

SIR X


TITLE: " Gatas"

No comments:

Post a Comment