Tuesday, April 28, 2009

Hindi Napansin Nila Mama at Papa


This article is made by : "No One"


di maikukubling iba ang kilos ng mga kabataan ngaun….maraming nasasabak sa mga frat wars, may mga nagcho-tiongke kung sansan, may mga marunong manigarilyo at uminom ng alak, at meron din namang nasasama sa mga crime scenes kung saan pabida ang mga menorde edad….EVER WONDERED KUNG MAY NAITURO SA KANILA NUNG BATA PA SILA NA NAGRESULTA SA MALING PAG-AAKALA???


hindi ako sure….pero,…hmmmmmm…PWEDE na rin….
nung bata pa tayo sing-kitid ng butas ng karayom ang kukote natin…habang tumatanda tayo ay mas lumalawak ang kakayahan ng ating kaisipan,at kasama sa paglawak nito ang pagme-memorays sa mga bagay-bagay,harmless daw sabi ng iba…pero bigla akong napaisip kanina…HARMLESS NGA BA?

ito ay isang tipical na laro, inaamin kong naglaro ako nito,pero sa kabutihang palad ay isa ako sa mga nakaiwas sa kalamidad na maaari nitong itatak sa ating isipan….
"langit, lupa, IMPIYERNO, im, im, IMPYERNO"…simula palang ng kantang memorays na memorays natin ay nagsisimula na ang katatakutan na kinukubli ng mga mala-anghel na boses ng mga batang kumakantang unti-unting kinakain ng larong ito…"langit, lupa, Impiyerno, im, im, Impiyerno",…(eto ung pinakanakakatakot na part…)"SAK-SAK PUSO TULO ANG DUGO"…(grabe…..)(eto pa….)"PATAY" ….(tsk-tsk…)"BUHAY….Umalis ka na diyan puwesto mo!"…
anong masasabi niyo???hindi kaya isa ang larong ito sa contributor o factor ng paglaki ng crime rate ng mga teenagers????Malay natin????


eto pa ang isa…medyo malumanay pero may nakatagong pagka-makapal ng mukha…."Nanay, Tatay, Gusto kong tinapay"….(hindi ba may tunog pang cannibalism to????ang nanay at tatay niya ang gusto niyang gawing tinapay???)minemorays kasi natin ito ng hindi nag-iisip…dapat ay "Nanay, Tatay, Gusto ko ng tinapay"…pero kung ganun naman ang kalagayan ng awiting pambata… may pagkamaldita ang lyrics…tama bang utusan ang magulang na kuhanan siya ng tinapay???…"Ate, Kuya, gusto ko ng kape"…(sobra…ano to???isa lang ibig sabihin nito…pang-corrupt din ito ng utak ng mga bata…)eto ung pinaka masahol na part…."LAHAT"….as in…"LAHAT ng gusto ko ay susundin niyo…ang magka-mali ay pipingutin ko"…(sobra na un….batang namimingot…???nag-uutos na nga e, tapos pag nagkamali ka may pingot ka pa????)at may countdown pa sa hulihan…."isa,,,,dalawa,,,,tatlo,,,,apat,,,,etc"…


ano???harapin natin ang reality…may mga batang nacorrupt ng mga awiting pang demidemon…kawawa naman..sino kaya ang nag-imbento ng mga himnong ito?san kaya ito nang-galing…at habang binabasa mo ito…wala tayong kamalay-malay…na sa mga oras na ito ay maynagme-memorays nanaman ng isa sa mga kantang ito….maipa-pasa ito sa mga susunod pang henerasyon…dahil sa isang dahilan lamang….Hindi napansin ni Mama at Papa….


"sum stupid writings coming from a stupid writer… "
:No One

No comments:

Post a Comment