Monday, April 27, 2009

Pelikulang Pilipino???

Bakit ang pelikula dito sa Pilipinas ay hindi na nag bago? As in ang istorya ay laging ganun pa din... Hindi ko tuloy masisisi ang mga Pilipino kung bakit minsan ay ayaw na nilang manood ng Pinoy Movie. Hindi naman totooong walang pera ang pilipino pag dating sa panonood ng sine? Bakit naman pag may bagong Holywood Movie ay talga namng kumikita d2 sa Pilipinas.

Ano ba ang katangian or "Content" ng isang tipikal na tagalog na pelikula:

1. Pag ang isang pelikula ay komedi, lagi itong may sayawan sa "beach". Ito yung tipong mag yayakag ang bida at mag sasayawan sila doon or kaya kakanta. Mapapansing lahat ng naliligo sa beach ay alam ang steps ng sayaw.

2. Ang laging pasalubong ng Bida sa kanyang asawa, nanay, or anak ay laging "pansit". Hindi pa ako naka panood ng pelikulang "spaghetti" ang pasalubong.

3. Sa action movie naman lagi na alng may kasabwat na police ang mga kontrabida. pero sa huli ito laging nalalaman.

4. Sa action ulit, oras na nag babarilan na asahan mong matatapos na ang pelikulang pinanonood mo. Kaya kung may kinakain ka pang "Snacks" ay ubusin mo na.

5. Sa isang tagalaog na movie ay kalimitang may ma ki kidnap ang mga kontrabida, maaring anak, asawa, or yung nililigawan ng bida.

6. Sa action ulit, ang bida ay kalimitang susugod sa hide out ng mga kontrabida. Mag isa lang siya tapos sasalubingin ng 50 na mga goons. Asahan mong para itong si superman at mapapatay niya lahat ng kalaban. Minsan 2 putok ng baril niya ay 5 ang matutumba at patay agad.

7. Kasunod ito nung no. 6. Pag yung bida bumaril kahit sa mga pader lang natama ay patay agad ang goons. Minsan naman ay mababaril ang bida, kahit 3 na ang tama nito ay buhay pa rin ito.
mapapasing mong ang kulay ng dugo ng bida ay orange.

8. Sa mga komedi at Fantasy na movie ay laging nananalo ang kabutihan laban sa kasamaan. Pero kunyari ay matatalo ang kabutihan pero later on ay mananalo pa din ito.

9. Ang mga leading lady ng mga bida pag mayaman ay kulot ang buhok.

10. Syempre ang mga bida ay laging may "Sidekick" hindi ito nawawala kasi ito ang nag papatawa lagi.

11. Ang mga bida sa action movies laging mat "Asset" lalo na kung police. Tapos bigla na alng papatayin ng kalaban ang asset at mag hihiganti ang bida.

12. Kahit kailan hindi pa ako nakapanood ng action movie na ang mga pulis ay nauuna sa labanan. Dadting lang sila pag napatay na ng bida ang lahat ng mga goons.

Sa totoo alng madami pa pero nalimutan ko na. Manonood muna ako ulit para matandaan ko. Kaya siguradong may part 2 ito. Binabati ko nga pala si Pablo, si Bez , Patrick at si "No one". Ingatz lagi kayo. Salamat po sa lahat ng nag basa. Ingatz at God bless po.

No comments:

Post a Comment