Thursday, April 23, 2009

Problema mo, Sagot Ko!

This past days sobrang na depress ako. May mga problemang dumating, sa awa ng Maykapal nalampasan ko namang lahat. Recently lang po kasi ay nag kasakit ako. AS iN na ospital ako dahil sa Ear Infection. Badtrip nga kasi kagagaling ko alng sa trangkaso tapos akala ko magaling na ako, nag basketball ako then next morning ayun dang sakit na ng tenga ko. Sabi ng 3 doktor na napuntahan ko actually 2 lang kasi yung una na tumingin sa akin ay Practioner Nurse, ay Ear Infection nga. Naisip ko sa dami dami ng tatatmaan ng sakit na ito bakit ako pa? May nagawa ba akong kasalana ? Naitanong ko sa sarili ko. Kasi po sobrang maingat ako sa health as in may Vit. C, Vit. E, Grape Seed, tapos may isa pang herbal na garlic na tablets akong iniinom. Hayz, naiisp ko na lang na kung sayo talga sayo. Pero Blessed din ako kahit papaano ay magaling na ako, but i need to see an Ear Specialist kasi sabi ng doktor mat maliit daw na butas ang Ear Drums ko, kaya may naririnig akong tunog. Almost 2 weeks na nga kaya parang nasanay na din ako.

Ayun kaya di rin masyado na intindi itong Blog. Sabi ko nga sa isang kaibigan ko ayoko nang mag Blog pero gusto ko kasi I share yung nangyari sa akin. Natutunan ko na alng na "Hindi ibibigay ni Lord sayo ang isang problema kung hindi mo kayang lutasin." Isang milyong problema man at pag subok ang dumating sa isang tao, may nakalaan namang Walang katapusang Solusyon si Lord para dyan. Importante lang wag tayong sumuko at patuloy ang laban. Aba Pilipino yata tayo hindi basta basta. Kaya mga tsong, tsang mga katoto "Ang problema parte na ng buhay ng tao, Pag walang problema CORNY ang buhay" Minsan nga ito pa ang nag lalapit sa atin kay Lord. Yun wala lng seryoso akong bigla hindi bagay hehehe. Geh po inagtz na alng sa lahat at Pray. Prayers ito walang kaduda duda MABISA na solusyon sa lahat ng bagay. "Prayers can move Mountains" sabi nga.

No comments:

Post a Comment