Tuesday, July 28, 2009

Iba pang Kakatuwang Signs!!!!!!!

Sana ay mapangiti kau at matuwa sa mga nakaka aliw na karatulang ito hehehe.. Enjoy.



1.

2.

3.


4.


5.





6.




Napangiti kau no?? ako din eh ehhehe basta ingat lage at keep safe po... God bless po.

Saturday, July 25, 2009

Forengers...Signs!

Baka kasi isipin nyo eh tayo lang mga PILIPINO ang ASTIG pag dating sa mga karatula kaya ito ang mga ilan sa COOL na SIGNS ng mga forengers!


EX1. Saan kaya ito parang sa Hongkong eh hehehe


EX2. Stolen daw oh, ano ako Bag?? hehehe


EX3. Di ko naintyindihan to promise!!! :p



EX4. Ito ok din Thank you for your corporation hahahha Lahat ata ng kumain dito puro Patay na eh Dying eh. hehehehe AStig!


EX5. Mga naka Pose d2 ang sasaya pa di nila alam muka silang tanga hehehe... " Welcome for Coming " hahaha Welcome for coming daw oh! hehe sabagay ako minsan engot din....:p peace




EX6. D2 daw nag papagupit ang mga dugong bughaw o yung mga mayayaman. Ako aliping sagigilid lang ako. Mga kilalang Tao dito nag papa massage. WAHAHAHA! Sabi nga pala ng may ari nito "Walang BASAGAN NG TRIP" ang sungit hehehe :p





EX7. Mag kano kaya ang kilo ng meet d2? hehehe meet ahhahaha parang mga hindi nag aral naman tao d2. Pero infairview sa kanila baka d2 sila nag me meeting hehehe.





EX8. AStig to d2 bilib ako marunong silang pumila... Creative, OK to!




EX9. Ok naman ang add nito hehehe buti na lang yung sa akin umm..... Pero ok ang nakaisip nakakatuwa hehehe





Ex10. Saan naman kaya ito, wala ba silang common sense doon? hehehe






EX11. OK na OK itong paalala sa traffic good na good. Beter late than Death... Aba sino ang di sasang ayon??? hmmmp hehehe






Ex12. Ang gulo ng utak ng gumawa nito, Saan ba kami papasok???????????



Nakakatuwa sila or better say nakakatwa hehehe pero di lang sila ang nakakatuwa tayo ding mga PILIPINO aba papatalo ba tayo dyan ? Hindi ah... Scroll down nyo lang ito at Tayo naman ang BIDA!! hehehe






Kara-tuwa...la

Mga Dabarkadz ito na hehehe tayo naman ang BIDA dito hehehe wag tayong mapikon tawanan na lang natin kasi wala namang perpekto di ba? hehehe Pero Astig itong mga picture na ito promise!!

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
.
.
.
.
.
.
.
.



Kalimutan ang problema at mag basa:






Ikaw naka EHI ka na ba??? Siguro nalilito itong lalake kung saan pupunta, ikaw kuya ha ... Baka hindi mo mapigilan kaya umehi ka na hahahaha



Saan kaya ito kasi sira talga ang washing nachine namin hehehhe. Ano kaya yung electric PAN ,? kawali?? hehehe Pero da best yung OBEN TOOSTER d2 ako halos mahimatay kakatawa hehe baka imbes na magawa eh masira pa ang mga kagamitan natin d2 ikaw ha Mr. Bboy,, Ok ka Astig!



Ang cute naman nung bata kaya lang mukang malungkot, May bumili na kaya ng JIUCE?? hehehe (nag tatanong lang po)



Ito D best din bawal umupo d2 ha tumayo na lang tayo kasi SETTING here is not allowed, AMF! Astig ka din!




Well well well all of you should pay attention before going here, don't forget you money because we have a policy here that "Please Pay Before Inside"!!!!! a nye nye hehehe kwela to!!






PUNAWA: mga sumusunod na pics ay RATED PG.











Bawal mag puyat d2 kaya matulog ng maaga kasi may CUR FEU. hahaha parang school lang.




Speaking of school wag niyong pag aaralin dito kasi baka maging lasenggo mga anak nyo d2 sa:




ayon ingat ha at keep safe sana naman napa ngiti kayo kahit konti.. Ingat lagi tandaan nyo ang problema andyan lang yan lagi pag walang problema di ka na naaalala ni Lord kaya be thankful pag may problema ka just think na blessing yan para mapalapit ka sa kanya kasi ba lumalayo ka na di ba?? (naks) Wag tatanga tanga ha wag akong gayahin minsan engot hehehe ingat po lagi at God bless sa inyo..... Thanks for REDING!! ayan nabobo na ako... ehhehe sakit na ng pwet ko kakaupo punta ako don sa SETTING is not ALLOWED!! hehe ingat

JULY 25, 2009

Wala lang hehehe, mejo naging busy po ako this past month ewan ko ba, mahirap pa alng maing busy ng walang ginagawa, ( Paano kaya yon)? Actually ay pang artista pala yung actually, kuna alam nyo lang wla naman akong ginaga kundi mag computer mag PS2 kasi wla naman akong PS3 mahal yon. hehehehe, ayun master ko na ang Tekken TAG, Tekken 4, Fight night. yan lang ang nilalaro ko sa PS2 pati pala dragon ball kasi sawa na ako sa NBA.. Wla namang bago sa akin e2 single pa din... masaya namang maging sigle pero hindi masarap. hehehehe...

Masaya naman ako ngayon kumpleto na din kasi feeling ko kumpleto hehehe. I will make new post this following days na pag iisipan ko talga kaya watch for it po sana. Sana mag basa pa din kayo ha.. promise gagandahan ko at yung ma papangiti ko kayo. Well thats it for now, God bless po sa inyo at keep safe... WelCAM Bak sa akin.... :p

Saturday, May 16, 2009

Sa likod ng Saya.....

Mga tsong at tsang pede po bang mag kwento? iiksian ko alng po para hindi naman kayo ma "bored". May isang tao kasi na sobrang masiyahin at talga namng pag kasama mo siya ay hindi maaaring hindi ka tatawa. Hindi ko maintindihan ang taong ito kasi para sabi niya gusto niya daw ay palaging masaya ang mga tao sa paligid niya kay ayun nag bibitiw siya ng mga jokes. Sabi nga nung isang kaibigan niya, " Bakit ganoon, narinig ko na yung Joke na sinabi mo pero nung sinabi mo ulit sobrang natatawa pa rin ako, kahit yung iba?". Sa isip ko na lang eh yung taong ito ay may kakaibang paraan kung paano mag deliver ng jokes niya. Masayahin itong taong ito, kapag nanliligaw nga ito sa mga chiks laging ang unang sinasabi "Binobola mo lang kami". Pero hindi alam nung iba na sa kabila ng saya ay napaka seryoso pala ng taong ito.

Sa labas ang pinapakita niya ay puro saya, ang tanong tuloy ng mga kakilala niya, " May problema pa kaya ang taong ito?". Kasi naman ang pananaw ng taong ito sa problema ay tawanan mo lang daw at wag mong masyadong isipin ang problema. Bigla na lang daw dadating ang solusyon. "Problema na nga pro problemahin mo pa?" Dagdag pa niya ang problema pag lalo mong hinanap ang solusyon parang mas mahirap makita. Ganoon daw, ang tingin ng mga tao sa paligid niya ay "Man of a million jokes". Pero kahit naman ganoon pa minsan minsan ay napka corny ng taong ito as in sobrang mais. Pero ang mapapansin mo tatawa na alng din ang mga kasama niya dahil naman sa ka kornihan ng joke. Kagaya ng kasabihang "laughter is the best Medicine" ito mismo ang isa sa paboritong motto ng taong ito. Pero kagaya ng iba, may malalim palang problemang dinadala ang taong ito. Sa bawat ngiti at saya ng dala niya sa mga mukha ng taong mahal niya ay lungkot at luha ang kapalit sa araw araw. Mahina ang taong ito, sabi nga ng niya sa sarili niya ay duwag siya.

Kasangakapan niya ay ang saya at tuwa para mapag takpan ang kanyang mga problema. Tama ba ito? Mali ba ang naging basehan ng taong ito? Hindi naman ganoon ka relihiyoso ang taong ito, ang pag kaka alam ko ay isa siyang "Born Again" o yung tinatawag nilang Christian. Lately ang pag kakaalam ko ay nag babasa na siya ng Bible at napapdalas ang pananalangin niya kay Hesus. Well hindi ko siya masisisi at kung ako naman talga ay unang lalapitan ko si Lord kapag nangangailangan ako. Sa isip na lamang ng taong ito na kaya binigay sa kanya ang mga problema ay kayang i handle or dalhin at lagpasan ang mga suliranin sa buhay. Importante lamang ay may Diyos tayo sa ating buhay at tanggapin natin na si Hesus ang nag iisang tagapag ligtas ng mundo.

Hindi masama ang tawanan ang problema. Pero dapat alamin natin kung kelan dapat lumugar o di kaya ay ilugar ang ating sarili. Minsan kasi ay nag biro ang taong ito sa kanyang kaibigan na may mabigat na problema ngunit sa halip na mapasaya ay lalong na pikon ito. Sabi tuloy niya sa sarili niya ay hindi na siya mag papatwa. Pero likas na siguro sa taong ito ang pag papasaya. Sabi niya sa likod ng mga problema ay mananatiling malakas at nakatayo siya. Ang pinag huhugutan niya ng lakas ay ang Diyos, Pamilya at mga kaibigan niya. Wag lang daw may mawala at hindi niya alam kung paano mag sisimulang muli. Sabi ko sa kanya ang pamilya at kaibigan ay pwede siyang iwanan, Pero ang nag iisang Diyos na buhay kahit kailan hindi siya tatalikuran. Kahit pa minsan ay tinalikuran mo siya, Hindi ka niya papabayaan dahil mahal na mahal ka niya.

Natandaan ko tuloy ang sabi ng Pastor namin. " Ano kaya ang pakiramdam ng maging anak ni Bill Gates? Napakayaman at halos wala ng pinoproblema. O kaya naman maging anak ni Manny Pacquioa? Sikat sa halos lahat ng parte ng mundo at hindi mo alam kung may pinoproblema pa? Ang swerte sigurong maging isang anak ng mayaman, sikat na artista, o di kaya ay makapangyarihan pulitiko. Ano sa tingin nyo napaka swerte di ba?
Halos lahat kami ay sumang ayon sa aming Pastor. Sabi tuloy niya " Mas ma swerte tayo sa lahat. Bakit? Isipin niyo...... Ang Ama o Tatay natin ay ang Diyos. And Diyos na may ari ng lahat lahat sa Mundo. Siya na gumawa ng lahat ng bagay buhay man o hindi buhay. Ang isipin natin ay kung anong meron tayo at wag kung anong wala tayo. Pag inisip ninyo yan hindi kayo maiingit sa kahit kanino."

Kaya ang problema andyan yan lagi. Kasama sa buhay natin. Wag lang tayong susuko at manatili tayong lumalaban hanggang sa huli. Pag kasama mo si Hesus wlang imposible. Ang saya Siya din ang nag bibigay. Kaya manatili tayong nakangiti sa hirap ng buhay. Hanggang may buhay may pag asa at hanggang may Diyos ka sa puso mo hindi ka niya papabayaan. Manalangin ka lang , Lumapit ka sa kanya at makikita mo sasagot siya. Kasama talaga ang lungkot sa likod ng Saya.....

Sunday, May 10, 2009

Joke for today

ESTUDYANTE: Buti pa ang saging, may puso! Pero ikaw, sir… wala!
PROFESSOR: Aba’y kung ganyanan lang, eh… buti pa ang sisig, may utak! Eh ikaw, wala!

***

JACOB: Pare, grabe ‘yung inuman namin kagabi! Lasing na lasing ako!
Paggising ko kanina, may ubo’t lagnat na ako!
KEVIN: Pare, ang tawag d’yan… WINE FLU!

***

BINATA:I want to be your angel who guides, follows and loves you.
DALAGA: Wow! Talaga?
BINATA: Oo! Kaya lang, how can I be an angel kung ngiti mo pa lang, nadedemonyo na ako?!

***

Sa isang restaurant…
KUSTOMER: Waiter! Ang tigas naman ng porkchop n’yo! Hindi magayat ng kutsilyo!
WAITER: Palitan ho natin!(Pagbalik ng waiter…)
KUSTOMER: Eh ito rin ‘yung porkchop kanina, ah?! Hindi mo naman pinalitan!
WAITER: Pinalitan ko ho ‘yung kutsilyo.

***

TRANSLATIONS:
Fall in line. (Mahulog ka sa pila.)
Don’t block the driveway. (Huwag supalpalin ang daang minamaneho.)
Pray hard. It works! (Magdasal nang taimtim! Magkakatrabaho ka rin!)
Post no bill. (Huwag maningil.)
Wanted! (Kriminal!)

***

“Pers taym ko dito sa Bigas…” – MOMMY DIONISIA sa Las Vegas

***

Tuwing pinagmamasdan ko ang paglubog ng araw… ginagabi ako.

***

Kung ANGEL lang ako… I will protect you, I will watch over you to keep you away from harm.But what can I do?ANGEL FACE lang ako! Sayang, ‘no?

***

Takot ka bang mawala ako?Lalo naman ako!Ayoko pang mawala, ‘no?!

***

Tingnan mo raw sila sa mga mata…Pag baligtad ka, ibig sabihin…HUBOG KA!PssSsSsSsT… T5.Tanduay Rhum, 5 years old.Tumagay ka… Tumagay ka… Maniwala ka!

***

Lahat ba ng oras ay busy ka?Kaya nakalimutan mo nang magparamdam? Nakalimutan mo nang mag-text?Nakalimutan mo nang magpaalam?Ikaw rin, baka pag naalala mo ako ay ul­yanin na rin ako!

***

JAYCEE: Sino ang paborito mong American singer?
JEDD: Si Britney!
JAYCEE: Britney Spears?
JEDD: Hindi! Britney Houston!

***

If there’s one thing that sucks big time on Earth… it’s falling in love, then falling apart.

***

When the heart is willing to love, it will find a thousand ways.But when a heart is unwilling, it will find a thousand stupid excuses.

***

You can close your eyes from the things you don’t want to see…But you can never close your heart from the things you don’t want to feel.

***

A little jealousy in a relationship, even in friendship, is healthy.It’s always nice to know that someone is afraid to lose you.

Saturday, May 9, 2009

Joke for today

ANAK NA BINATA: Nanay, ‘yung girlfriend ko, hindi naniniwala sa langit at impyerno.
NANAY: Pakasalan mo. Ipadama mo sa kanya ang langit. Ako na ang bahala sa impyerno.

***

Isang malupit na banat ng isang batang tamad sa kanyang palautos na ina:
“Umayos ka, ‘Nay! Ang Diyos nga, sampu lang ang utos! Ikaw, ang dami?!
Gusto mo ring ipako?!”

***

PERLA: Nagbakasyon ako sa anak ko sa Maynila nang isang buwan. Araw-araw, baboy ang ulam. Alam mo, mare, ‘yung ihi ko, mantika na!
SUSAN: Ako naman, pumunta sa pinsan ko sa Quezon. Palibhasa, mahirap lang sila, ang pala­ging kinakain namin ay niyog. Alam mo, mare, ‘yung tae ko, puro sapal na! At ang ihi ko, gata na!

Additonal Kowts of the day: " HAPPY MOTHERS DAY PO SA LAHAT NG NANAY NYO!"

Banat ng mga nanay sa mga lasenggong anak:
”Aanhin mo pa ang alak kung sa akin pa lang, tatamaan ka na?!”

***

Madaling sabihin ang mag-move on.Madaling mag-let go at maghanap ng kapalit, but when you come to the point na nagm ahal ka nang sobra… lahat ng madali, nagiging mahirap.

***

One of the simplest ways to stay happy… Just let go the things that make you sad.

***

Kanino ka ba dapat humanga?Sa taong iniwan ang iba para mahalin ka… o sa taong handang iwan ka dahil may mahal kang iba?

***

A person who truly knows you is someone who sees the pain in your eyes while everyone else still believes in the smile on your face.

***

How can you believe… if in the middle of BELIEVE is the word LIE?

***

People change.Usually, they shange into everything they said they wouldn’t be.

***

Sometimes, you need a second chance…
because time wasn’t ready for the first time.

***

The one that loves you at your worst is the one that deserves you at your best.

***

It’s not being in love that makes me happy. It’s who I’m in love with that does.

***

If you’re looking for a happy ending and you couldn’t find one…
find a new beginning instead.

***

Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo.
Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.

***

Kung mahalaga ka talaga sa isang tao, hahanap siya ng paraan para magkaoras sa ‘yo.
Kung wala siyang oras sa ‘yo, huwag kang umasang mahalaga ka sa kanya.

***

SINGLE LIFE?Masarap… solo mo ang time mo… Walang dumadagdag sa problema…
Hindi ka obligadong mag-text…Ang pagiging single, talagang masarap!
Pero hindi ko sinabing masaya.

***

Kung tinanong ka ng crush mo ng, “Uy, musta?” – ang pinakamagandang sagot d’yan ay…“Eto, mahal ka na.”

Thursday, May 7, 2009

Joke sa araw na ito

***

“IBON.”Iyan ang sagot ni Pacquiao nu’ng tanungin siya kung ano ang brand ng make-up ni Jinkee.

***

“Si Pacquiao ay mabait at nakakatuwa.”
Send this to 50 people na nasa contacts mo or else…
magiging kamukha mo si Aling Dionesia.
Marami nang dumedma rito at nagsisi…

***

“Pagkagaling namin ng Las Bigas, pupunta naman kami sa L.E.” – PACMAN

***

Sa airport…
REPORTER: Wala na bang atrasan ang pagpasok mo sa pulitika?
PACMAN: No, mister! Donut tenk polytext is good poor boxers… you know!
REPORTER: So… hindi pala totoong muli kang papaimbulog sa pulitika?
PACMAN: But I have registered with Comelec my own party… PIPOLS CHAMP! You know.
REPORTER: Tuloy ka pala?!
PACMAN: Now you know!

***

Nakapasok ang isang palaka sa Malacañang Palace.Nagulat si Ate Glo dahil nang kumokak ang pa­laka, ang tunog nito ay parang, “Korap! Korap! Korap! Korap!”Aba! Gifted frog!

***

What is FOLLOWED?FOLLOWED is an act of loading your cell if maintaining balance is 0.Ex. “Manang, FOLLOWED po ng P30.” ‘La Load? FOLLOWED ka na!

***
APO: Lola, ang sarap naman po ng tapa na nasa platito. Malinamnam na malinamnam po!
LOLA: Ay, naku! Hindi tapa ‘yun, apo! Binakbak ko lang ang sugat ko!

***

GMA: Erap, may gift ako sa ‘yo! Galing-India, 8-foot snake!
ERAP: Ows?! Niloloko mo ‘ko! Hindi ako ganu’n katanga!
Walang feet ang snake! Tapos, walo pa?! Octopus ‘yun, eh!

***

MIKE: Pare, niloko ko ‘yung tindera kanina! Ha! Ha! Ha!
EDWIN: Ows, di nga? Pa’no?
MIKE: Nagpa-load ako, pare… eh wala naman akong cellphone! Ha! Ha! Ha!

***

DALAGA: Red Horse ka ba?
BINATA: Hindi. Bakit?
DALAGA: Ang lakas kasi ng tama mo.
BINATA: Ganu’n? Ikaw yata ang Red Horse, eh…
DALAGA: Bakit naman?
BINATA: Wala lang. Mukha kang kabayo, eh.

***
Motto is like kuto that makes kamut-kamot your ulo.

***

“Walang malayong kulangot sa mahabang kuko.”
Napakagandang quote.It signifies determination,
creativity and hope. Sana, ma-inspire kayo.

***
Ang MAGSYOTA…Pag pangit ang lalaki at maganda ‘yung babae, ang tawag d’yan ay DISKARTE.Pag babae ang pa­ngit at gwapo ang lalaki, ang tawag d’yan ay GINAYUMA.
Pag pareho silang maganda, ang tawag d’yan ay ITINADHANA.At kapag ang magsyota ay parehong pangit, ‘yan ang tinatawag na NO CHOICE!

***

Sa buhay natin, may mga tanong na mahirap sagutin.
Bakit kailangan pang magmahal kung masasaktan lang?
Pero naitanong mo na ba sa sarili mo kung bakit walang malaking Yakult?
Bitin kasi, eh! Sana, merong Yakult Litro!

***

Words to live by:
“Kung may balak kang gawin ngayon, huwag mo nang ituloy.
Sige ka… wala ka nang gagawin bukas.”

***

Katangahan bang lumapit ako kahit umiiwas ka?
Magpapansin kahit binabalewala mo ako?
Maghintay kahit sa wala?Ako ba ang tanga dahil umaasa pa?
O ikaw dahil sa gwapo kong ito, tatanga-tanga ka?!

***

Kung ang ikaliligaya mo ay ang paglayo ko…
Aba! Huwag kang mag-alala!
Lalapit-lapitan pa kita, huwag ka lang sumaya! Bwahaha!

***

Pareho lang kaming masama…
Ang ipinagkaiba lang namin…
sa akin, ugali.Sa kanya, mukha.

Napaka GAGO ko!!!

Anak ng.... Ayon nangyari nanaman ang hindi ko inaasahan. Bakit ganon nasaktan nanaman ako? Bakit ba kasi ambilis kong maniwala. Hayz hindi na ako natuto, ang tanga tanga ko sobra. Halos binigay ko yung time ko sa kanya doon sa tinawag kong baby. AMF talga naasar ako sa sarili ko kasi naloko nanaman ako. Ikaw hindi ako galit sayo. Sa sarili ko ako galit as in galit na galit. Alam ko binigyan mo ko ng time mo at napaniwala mo ako sa mga sinasabi mo,, halos mawala pa nga iyong mga taong importante sa akin dahil sayo!!! Tapos malalaman ko sinungaling ka pala. I admit nag sisinungaling din ako wala namang perpekto sa mundo. Pero sa taong mahal ko parang ang hirap mag sinungaling, nakaka konsensya. Pero ikaw mag sinungaling ka sa akin ng harap harapan sobra naman! Inamin mo naman yung mga mali mo.

Hindi ako naniwala inantay ko iyong mga paliwanag mo. Parang binagsakan ako ng pader nung sinabi mong "OO nag sinungaling ako!" parang proud ka pa noong sinasabi mo iyon. at ng tanungin kita kung bakit sabi mo " Gusto ko lang" Shit ano iyon? Nag sinungaling ka dahil gusto mo lang. Ni kahit anong salita walang paliwanag. Ikaw ang nag sabi importante yung TRUST, paano naman ako ngaun mag titiwala sa taong ginagago ako ng harapan. At ang dahilan " Gusto ko lang". Napaka gago ko talaga. Tama sila mahirap maghanap ng otoong tao sa "chat". May nakita ako mukang lalayuan pa ako dahil sayo. Sana lang ako na yung huling tao na gaganituhin mo. Wag mo namang gawin sa iba dahil "Gusto mo lang". I know everybody deserves a 2nd chance pero para sa mga taong hindi sinasadya ang kanilang kasalanan. Maybe sa situation natin iba kasi, parang sinadya mo at again nag sinungaling ka kasi "gusto mo lang".

Ikaw magbago ka na mahirap maloko. At tama sila walang manaloloko kung walang mag papaloko. Malas ko lang nalinya ako sa naloko. Doon sa taong lalayo, wag naman please. Baka pag lumayo ka hindi na kita makita. Sana mabasa mo pa ito. Sana its not to late pa. Im Sorry. Mahina ako madaling mag mahal. Ngayon sasabihin ko sa puso ko tama na muna, Wag muna para akong sinaksak sa likod, ang tindi. Tagos sa laman at buto ang sakit. Baka sabihin nung mga nag babaasa ang drama ko na pasensya na po ha, wala lang mapag labasan. Mas masakit kung sasarilinin ko. Buti nga nandyan kayo kahit papaano may nasasabihan ako. Kelan ba ako matututo? Kevin matuto ka na kasi. Gusto kong sumigaw ng sobrang lakas hanggang mapaos ako baka sakaling marinig ako ng nasa Itaas. hay pero matibay ako, hindi ako papatalo sa amon ng buhay. Ginusto ko yun, pinasok ko iyon kaya walang dapat sisihin kundi sarili ko. Salamat po sa inyo. I will be smart next time at sana ito na ang huling pag kakataon na sabihin ko sa sarili ko na " Napaka GAGO ko!!!

Wednesday, May 6, 2009

Ang Aking Nararamdaman....

Simula ng sabihin ko sa Blog na ito na inlove ako... Sobrang nalungkot ako. May mga tao kasing medyo nasaktan at nabigla sa aking pag tatapat na in love ako. Pasensya na po, kung pwede lang pigilan ang puso na hindi tumibok ginawa ko na. May mga naka intindi pero mayroon ding hindi. Mahal ko iyong baby ko. Mahal ko siya. As of this moment gusto kong sabihin sa mga taong nasaktan ko na sorry, pero hindi naman ako mag babago. May nadagdag lang sa akin pero ako pa rin ito. Bawat isang tao ay may nakalaang magmamahal sigurado iyon. isa lang naman akong simpleng tao, kaya nasasaktan din ako. Ikaw..

OO ikaw. Wag ka namang lalayo sa akin, wag mo naman akong iwasan or what. Wala namang nag bago ganun pa rin ako gaya ng dati. Kung kailangan mo ng tulong or ng kausap im willing to listen. Napaka understanding naman ng baby ko. Walang nag bago sa akin ok? Nag hahalo tuloy ang aking nararamdaman. Masayang malungkot. Masaya dahil sobrang mahal ako ng baby ko at mahal ko din siya, Malungkot dahil may mga taong hindi ako naiintindihan. Basta dito lang ako palagi po. Yun pa rin ako yung dati, makulet, palabiro, palatawa at masayahin. Sana lang nandyan pa rin kayo kung ako naman ang nangailangan. Mahal ko kayo kasi kaibigan ko kayo. Bhe, wag mong isipin na nag pa gulo ka sa buhay ko ha? Ikaw nga po yung nag dagdag ng kulay sa simple kong buhay. Sana lang wag mo kong iiwan at lalo na ipag palit po... Hayz basta. Bhe mahal kita, at hindi ko kakalimutan ang mga bilin mo. Mahal ko kayo iyon po ang totoo yan po Ang Aking Nararamdaman......

Joke sa araw na ito

“Hindi lahat ng tulog, nasa kama!” – HATTON

***

BAGONG PELIKULA!Nora Aunor, bida sa Ang Totoong Buhay ni Mommy Dionesia: Paano Ba Ang Maging Isang Ina? Sigurado, tabo sa takil­ya ‘yan. Kabog ang Tanging Ina N’yong Lahat!YES!
Pacman as himself!
Marian Rivera as Jinkee Pacquiao!
Yul Servo as Daddy Rosalio Pacquiao!
Angel Locsin as Dyan Castillejo!
John Rendez as Freddie Roach!

***

MANNY: Ricky, so what now?
RICKY: Now I know. Let’s just play darts.MANNY: Ok.
RICKY: No more boxing. Ok, let’s play darts!
MANNY: Ok! Many rounds! Not just two, I assure you!

***

“Mahirap iwan ang mahal mo… Mahirap tanggapin. Pero mas mahirap kapag months ang training mo, tapos, hanggang se­cond round ka lang.” -- HATTON

***

Sa boxing training, nasuntok nang malakas ni Pacquiao si Onyok.
ONYOK: Out! Out! Ang sakit, ha?!
PACQUIAO: Anung out?
ONYOK: Di ba, pag masakit, ‘out’ ang sinasabi?
PACQUIAO: Ha! Ha! Ha! Ka’katawa ka, dong! Anung out? Baka OUTS!

***

BALITANG ENGOT!
World Healthy Organizations, may babala! Grupong Greenpeas, naalarma! At para sa balitang sports, laban nina Ricky Hatton at Manny Pacquiao, uulitin!At ngayon, para sa mga detalye…World Healthy Organizations, may babala dahil sa pagkalat ng FMD, swine flu at bird flu. Baka ang mga tao ay maging vegetarian na lang!Grupong Greenpeas, naalarma dahil magiging vegetarian ang mga tao, baka mga puno, kainin na rin at maubos!At para sa balitang sports… Laban nina Ricky Hatton at Manny Pacquiao, uulitin nang anim na beses para eksaktong 12 rounds!

***

NEWSFLASH! The Nevada Boxing Commission has revoked Manny Pacquiao’s license.Pacquiao’s urine samples have too much drugs found in Alaxan 4T and Datu Puti.

***

Sa isang commercial…
ANAK: Dad, pwede po bang magtanong?
DAD: Oo naman, anak.
ANAK: Thank you.

***

Kapag ipinagpalit ka ng mahal mo sa pangit… mayaman ‘yun.Wala kang choice kundi ang mag-move on!Krisis, eh!

Monday, May 4, 2009

In Love Ako....

Sabi ko sa sarili ko hindi na muna ako ma i inlove. Sabi ko sa sarili ko ayoko na munang masaktan. Sabi ko sa sarili ko masaya naman akong single. Sabi ko sarili ko kaya kong mag isa basta andyan ang pamilya ko, kaibigan at si Lord. Nag kamali ako!!! Sobra, kasi sa sarili ko sinabi lahat iyon. Dapat pala sa PUSO ko. Ayon tumibok ulit ang puso ko. Nakakatakot kasi matigas ang ulo ng puso ko. Hindi ito kagaya ng ibang puso, yung puso ko may sariling pag iisip. Kagaya ngaun ako iyong napasunod ng puso ko. Kung pwede lang na lagyan mo ng mighty bond yung puso ng isang tao para tumigil muna sa pag mamahal di ba? Pero na realized ko na hanggat tumitibok ang puso ng isang tao hindi siya pwede tumigil sa pag mamahal.

Kaya ito ako ngaun sumusugal sa taong mahal ko. Kahit pa mag kalayo kami ay sobrang mahal ko na siya. Sabi naman niya mahal din niya ako. Siya ang baby ko. Sabi ng baby ko mas OK daw sa ngayon na mag kalayo kami. Mas nalalaman daw ang importansya ng isang tao pag mag kalayo. Sabi ko nga sa baby ko hayaan mo beh, pag magkasama na tayo hindi kita iiwan. SAbi ko din malilimutan ko lang siya pag nag ka amnesya ako. Mahal ko itong baby ko sobraaaa. Noong una natatakot ako sobra as in mahirap kasi . Sobrang napakasakit masaktan po ah!!! Siguro po maiintindihan ako ng mga taong nasaktan na dahil sa pag ibig. Ako, sabi ko na alng sa sarili ko i will take the risk. Mahal ko talaga. Ma miz mo ba naman kada minuto. Kahit anong gawin ko bigla na lang siyang napasok sa isip ko?? Nag tataka nga ako may kakamabal ba ang baby ko? kasi napasok siya sa isip ko eh ang pag kakaalam ko nasa puso ko siya!!!

Ayon kaya masaya ako ngayon kasi may taong nag papasaya sa akin. At syempre may inspirasyon na ako. Beh I love you po! Maaring maraming tao na humadlang sa atin pero wag tayong mag papa apekto doon ha? Hindi importante yung sasabihin ng iba, hanggat wala tayong tinatapakan or nasasaktan tuloy lang tayo. Mahal na mahal kita beh... Sobra basta honest lang tayo sa isa't isa at Trust. Kaya natin ito. Pag nalagpasan natin lahat ng problema na mag kalayo tayo feeling ko wala ng makakapag hiwalay sa atin. Batsa kung makabitaw man ako wag mong bibitawan ang kamay ko ha. I lab u. Tsaka wag ka ng mag papa pasok ng iba sa puso ko. Lahat ng may susi sa puso ko babawiin ko na hehe. Ikaw lang ang may hawak pati yung bintana isarado mo po ah baka kasi may dumaan doon. Ayun next time na lang ulit kwentuhan ko po kayo. Salmat po sa pag babasa. Basta Mahal ko Baby ko walang kokontra ha. Beh ang pinaka totoong sasabihin ko sayo ay Mahal kita at kayang kong sabihin sa buong mundo ngayon na "In Love Ako".......

Friday, May 1, 2009

Joke sa araw na ito

Ang taong problemado, sa patalim kumakapit.
Ang gwapong despe­rado, sa bakla lumalapit.

*********************************************************************************

KASABIHAN…Hindi lang sa gubat may ahas. Sa syudad, meron din.SABI KO NAMAN…Hindi lang sa lupa may bulate. Sa tiyan, meron din.

*********************************************************************************

PIDYONG: Pakiabot naman ‘yung posporo…
LUISA: And’yan naman ‘yung kalan, ah?!
PIDYONG: So, ipantitinga ko ‘yung kalan, ganu’n ba?!

*********************************************************************************

BOY: Nanay, bibili ako ng HIGH CAKE!
NANAY: Hindi ‘yun high cake, anak, hot cake!
BOY: Ok po. Pahingi na lang po ng barya.
NANAY: Kuha ka na lang sa SOLDIER BAG ko.

*********************************************************************************

DAVE: Ang laing nga­yon… with my head on the phone… thinking of you till it hurts…Bwahahaha! All Out of Love. Air Supply. Hahaha!

*********************************************************************************
Ayon sa dalubhasang pananaliksik, ang SWINE FLU ay kumbinasyon ng influenza mula sa BABOY, IBON at TAO.Kaya naman…“It’s unfair!” sigaw ni Bobby. “Bakit sa aming mga kababuyan ina-attribute ang swine flu?”“Minsan nga, ikinabit sa amin ang bird flu!” pag-ayon naman ni Yvonne.“Magsitigil kayo!” sansala ng Tao. “Ikaw, Bobby, hindi ka ba na­tutuwang nabawasan ang bumababoy sa inyo?“At ikaw, Yvonne, hindi ka ba masayang kinakain na kayo ngayon?” dugtong pa ng Tao.

*********************************************************************************

BOSS: sa tingin mo ba, pinapasuweldo kita para matulog?
JUAN: Hindi po! Libre po ‘to, bossing!

*********************************************************************************

JUDGE: Hmmnn… marami kang kaso. Gun running, drug trafficking, kidnapping, robbery, extortion. Wala ka bang ma­tinong trabaho?
BOOJIE: Meron. Pulis po ako.

*********************************************************************************

INDAY: Ma’am! Hu! Hu! Hu! Ginapang ako ni Dudung kagabi! Nireyp niya ako!
MA’AM: Bakit hindi ka sumigaw? Nasaklolohan ka sana namin!
INDAY: Eh kasi, ma’am… nasarapan ako, eh.

*********************************************************************************

Minahal mo ba siya dahil mahal ka niya?O minahal ka niya dahil mahal mo siya?Saan ka d’yan?Ako… minahal ko siya dahil nilandi niya ako nang bonggang-bongga!

*********************************************************************************

I’m not a jealous girl… I’m just a simple girl who would love to break the neck of any girl who flirts around my boy.

********************************************************************************

Remember, we have only…
One LIFE… Live it well!
One SOUL… Make it pure and clean!
One HEART… Take good care of it! And
one SEX ORGAN… Use it as often as possible!

Wednesday, April 29, 2009

Joke for today

BIGO SA PAG-IBIG?
Maghanap ng…

KUBA – Hindi ka kokontrahin. Siya ay mapagkumbaba.

LUMPO – Lagi kang sasamahan. Kahit kailan, hindi ka tatakbuhan.

PIPI – Kahit mag-away kayo, hindi ka makakarinig ng masasakit na salita.

BULAG – Walang pakialam kahit ano pa ang itsura mo.

Mag-ingat ka lang sa…

NGONGO: Malabong kausap.

BULOL: Walang isang salita.

BINGI: Kung hindi mo lalapitan, hindi namamansin.

DULING: Hindi kuntento sa isa.

******************************************************************************

SUSAN: Kumusta na ang lovelife?

MELISSA: Eto, parang ikaw… hindi maganda!

Tuesday, April 28, 2009

Hindi Napansin Nila Mama at Papa


This article is made by : "No One"


di maikukubling iba ang kilos ng mga kabataan ngaun….maraming nasasabak sa mga frat wars, may mga nagcho-tiongke kung sansan, may mga marunong manigarilyo at uminom ng alak, at meron din namang nasasama sa mga crime scenes kung saan pabida ang mga menorde edad….EVER WONDERED KUNG MAY NAITURO SA KANILA NUNG BATA PA SILA NA NAGRESULTA SA MALING PAG-AAKALA???


hindi ako sure….pero,…hmmmmmm…PWEDE na rin….
nung bata pa tayo sing-kitid ng butas ng karayom ang kukote natin…habang tumatanda tayo ay mas lumalawak ang kakayahan ng ating kaisipan,at kasama sa paglawak nito ang pagme-memorays sa mga bagay-bagay,harmless daw sabi ng iba…pero bigla akong napaisip kanina…HARMLESS NGA BA?

ito ay isang tipical na laro, inaamin kong naglaro ako nito,pero sa kabutihang palad ay isa ako sa mga nakaiwas sa kalamidad na maaari nitong itatak sa ating isipan….
"langit, lupa, IMPIYERNO, im, im, IMPYERNO"…simula palang ng kantang memorays na memorays natin ay nagsisimula na ang katatakutan na kinukubli ng mga mala-anghel na boses ng mga batang kumakantang unti-unting kinakain ng larong ito…"langit, lupa, Impiyerno, im, im, Impiyerno",…(eto ung pinakanakakatakot na part…)"SAK-SAK PUSO TULO ANG DUGO"…(grabe…..)(eto pa….)"PATAY" ….(tsk-tsk…)"BUHAY….Umalis ka na diyan puwesto mo!"…
anong masasabi niyo???hindi kaya isa ang larong ito sa contributor o factor ng paglaki ng crime rate ng mga teenagers????Malay natin????


eto pa ang isa…medyo malumanay pero may nakatagong pagka-makapal ng mukha…."Nanay, Tatay, Gusto kong tinapay"….(hindi ba may tunog pang cannibalism to????ang nanay at tatay niya ang gusto niyang gawing tinapay???)minemorays kasi natin ito ng hindi nag-iisip…dapat ay "Nanay, Tatay, Gusto ko ng tinapay"…pero kung ganun naman ang kalagayan ng awiting pambata… may pagkamaldita ang lyrics…tama bang utusan ang magulang na kuhanan siya ng tinapay???…"Ate, Kuya, gusto ko ng kape"…(sobra…ano to???isa lang ibig sabihin nito…pang-corrupt din ito ng utak ng mga bata…)eto ung pinaka masahol na part…."LAHAT"….as in…"LAHAT ng gusto ko ay susundin niyo…ang magka-mali ay pipingutin ko"…(sobra na un….batang namimingot…???nag-uutos na nga e, tapos pag nagkamali ka may pingot ka pa????)at may countdown pa sa hulihan…."isa,,,,dalawa,,,,tatlo,,,,apat,,,,etc"…


ano???harapin natin ang reality…may mga batang nacorrupt ng mga awiting pang demidemon…kawawa naman..sino kaya ang nag-imbento ng mga himnong ito?san kaya ito nang-galing…at habang binabasa mo ito…wala tayong kamalay-malay…na sa mga oras na ito ay maynagme-memorays nanaman ng isa sa mga kantang ito….maipa-pasa ito sa mga susunod pang henerasyon…dahil sa isang dahilan lamang….Hindi napansin ni Mama at Papa….


"sum stupid writings coming from a stupid writer… "
:No One

Monday, April 27, 2009

Sorry naman "No ONE"


Pasensya na po Sorry na mapapatwad mo ba ako? Sana naman hindi ko naman alam na ganoon pala. Malay ko kasi akala ko inaantok ka pa. Nag kamali ako. Sorry na po mapapatawad mo pa ba ako.? Pm mo na lang ako po.... Sorry ulit.

Pelikulang Pilipino???

Bakit ang pelikula dito sa Pilipinas ay hindi na nag bago? As in ang istorya ay laging ganun pa din... Hindi ko tuloy masisisi ang mga Pilipino kung bakit minsan ay ayaw na nilang manood ng Pinoy Movie. Hindi naman totooong walang pera ang pilipino pag dating sa panonood ng sine? Bakit naman pag may bagong Holywood Movie ay talga namng kumikita d2 sa Pilipinas.

Ano ba ang katangian or "Content" ng isang tipikal na tagalog na pelikula:

1. Pag ang isang pelikula ay komedi, lagi itong may sayawan sa "beach". Ito yung tipong mag yayakag ang bida at mag sasayawan sila doon or kaya kakanta. Mapapansing lahat ng naliligo sa beach ay alam ang steps ng sayaw.

2. Ang laging pasalubong ng Bida sa kanyang asawa, nanay, or anak ay laging "pansit". Hindi pa ako naka panood ng pelikulang "spaghetti" ang pasalubong.

3. Sa action movie naman lagi na alng may kasabwat na police ang mga kontrabida. pero sa huli ito laging nalalaman.

4. Sa action ulit, oras na nag babarilan na asahan mong matatapos na ang pelikulang pinanonood mo. Kaya kung may kinakain ka pang "Snacks" ay ubusin mo na.

5. Sa isang tagalaog na movie ay kalimitang may ma ki kidnap ang mga kontrabida, maaring anak, asawa, or yung nililigawan ng bida.

6. Sa action ulit, ang bida ay kalimitang susugod sa hide out ng mga kontrabida. Mag isa lang siya tapos sasalubingin ng 50 na mga goons. Asahan mong para itong si superman at mapapatay niya lahat ng kalaban. Minsan 2 putok ng baril niya ay 5 ang matutumba at patay agad.

7. Kasunod ito nung no. 6. Pag yung bida bumaril kahit sa mga pader lang natama ay patay agad ang goons. Minsan naman ay mababaril ang bida, kahit 3 na ang tama nito ay buhay pa rin ito.
mapapasing mong ang kulay ng dugo ng bida ay orange.

8. Sa mga komedi at Fantasy na movie ay laging nananalo ang kabutihan laban sa kasamaan. Pero kunyari ay matatalo ang kabutihan pero later on ay mananalo pa din ito.

9. Ang mga leading lady ng mga bida pag mayaman ay kulot ang buhok.

10. Syempre ang mga bida ay laging may "Sidekick" hindi ito nawawala kasi ito ang nag papatawa lagi.

11. Ang mga bida sa action movies laging mat "Asset" lalo na kung police. Tapos bigla na alng papatayin ng kalaban ang asset at mag hihiganti ang bida.

12. Kahit kailan hindi pa ako nakapanood ng action movie na ang mga pulis ay nauuna sa labanan. Dadting lang sila pag napatay na ng bida ang lahat ng mga goons.

Sa totoo alng madami pa pero nalimutan ko na. Manonood muna ako ulit para matandaan ko. Kaya siguradong may part 2 ito. Binabati ko nga pala si Pablo, si Bez , Patrick at si "No one". Ingatz lagi kayo. Salamat po sa lahat ng nag basa. Ingatz at God bless po.

Saturday, April 25, 2009

Single or Double?

Kamusta ka na? Ako ok alng po, ganun pa din wala namang pag babago. Alam nyo para na akong abnormal, kasi nag tataka ako, bakit ang bilis kong ma inlove sa isang tao? Normal ba iyon? Pero lagi kong pinipigilan ang sarili ko. Sabi ko ayoko muna ng responsibility. Maybe nag scape goating lang ako na ayokong masaktan or what. Pero happy naman akong single. Feeling ko di ko pa naman ganoon kailangan ng mamahalin. Andyan naman ang family at syempre Friends na sobrang supportive sayo. Excuse me lang po yung true friends ha, hindi yung friends lang pag kaharap mo or kausap mo. Ang dami kasi ngaung "orocan" or yung "plastik" ba. Back to the topic. Happy namn akong single kaya lang iba pa rin yung may ka txt ka sa umaga ng gud morning baby! I love you. yung may tatanungin kang beh kumain ka na? at yung may mag bibigay sayo ng "power hug" at "super kiss" sa gabi bago ka matulog. Nakaka miz yung ganoon. Pero siguro nasanay na rin akong single. Sabi ko sa sarili ko dadating din ulit yung taong mag mamahal sa akin at mamahalin ko unconditionally. Basta habang wala pa siya, enjoy muna sa buhay. Pero pangako ko sa sarili ko pag nakita ko na siya, kahit harangin pa ako ng kahit na sino hindi ko na siya papakawalan, sabi nga nila magkamatayan na! Ganoon naman di ba? Pag mahal mo, ipaglalaban mo no matter what! Ayun sige po ingatz na alng ulit next time ulit God bless po at take care coz i care......

Thursday, April 23, 2009

Problema mo, Sagot Ko!

This past days sobrang na depress ako. May mga problemang dumating, sa awa ng Maykapal nalampasan ko namang lahat. Recently lang po kasi ay nag kasakit ako. AS iN na ospital ako dahil sa Ear Infection. Badtrip nga kasi kagagaling ko alng sa trangkaso tapos akala ko magaling na ako, nag basketball ako then next morning ayun dang sakit na ng tenga ko. Sabi ng 3 doktor na napuntahan ko actually 2 lang kasi yung una na tumingin sa akin ay Practioner Nurse, ay Ear Infection nga. Naisip ko sa dami dami ng tatatmaan ng sakit na ito bakit ako pa? May nagawa ba akong kasalana ? Naitanong ko sa sarili ko. Kasi po sobrang maingat ako sa health as in may Vit. C, Vit. E, Grape Seed, tapos may isa pang herbal na garlic na tablets akong iniinom. Hayz, naiisp ko na lang na kung sayo talga sayo. Pero Blessed din ako kahit papaano ay magaling na ako, but i need to see an Ear Specialist kasi sabi ng doktor mat maliit daw na butas ang Ear Drums ko, kaya may naririnig akong tunog. Almost 2 weeks na nga kaya parang nasanay na din ako.

Ayun kaya di rin masyado na intindi itong Blog. Sabi ko nga sa isang kaibigan ko ayoko nang mag Blog pero gusto ko kasi I share yung nangyari sa akin. Natutunan ko na alng na "Hindi ibibigay ni Lord sayo ang isang problema kung hindi mo kayang lutasin." Isang milyong problema man at pag subok ang dumating sa isang tao, may nakalaan namang Walang katapusang Solusyon si Lord para dyan. Importante lang wag tayong sumuko at patuloy ang laban. Aba Pilipino yata tayo hindi basta basta. Kaya mga tsong, tsang mga katoto "Ang problema parte na ng buhay ng tao, Pag walang problema CORNY ang buhay" Minsan nga ito pa ang nag lalapit sa atin kay Lord. Yun wala lng seryoso akong bigla hindi bagay hehehe. Geh po inagtz na alng sa lahat at Pray. Prayers ito walang kaduda duda MABISA na solusyon sa lahat ng bagay. "Prayers can move Mountains" sabi nga.

Tuesday, April 7, 2009

Jok3X

***
Sa isang squatter’s area…NANAY: Anak, hipan mo ang kandila at mag-wish ka.NENE: Opo, ‘Nay!NANAY: O, ano ba ang birthday wish mo?NENE: Sana po, ‘Nay… sa susunod na birthday ko, may kasama nang cake ang kandilang ‘to! [Pabs Rosas]


***
MARTA: Bakit BOB ang tawag mo sa mister mong mahilig? Di ba, TIMOTEO ang pangalan niya?VERONICA: Ahh… ehh… BOB-AERO kasi ang walang hiyang Hudas na ‘yan! [Pabs Rosas]
***


SIMON: Pare, gagawa ako ng pelikula! Ako ang direktor, ako ang producer, ako ang scriptwriter, ako ang editor at ako rin ang bida! Ang pamagat, ANG AKIN AY AKIN AT ANG IYO AY AKIN PA RIN. Ano, ayos ba?PEDRO: Pare, ang haba naman ng pamagat! Bakit hindi mo na lang gawing ANG SUGAPA? [Jhunax]
***


May isang bading na nasa meatshop…BADING: Pabili nga po ng isang whole German sausage.TINDERA: Cha-chop-in ko na?BADING: HUWAAAGGG!!! Anong akala mo sa puwet ko, alkansya?!
***


Dear Pepsi… Alam mo bang Coke na Coke ako sa ‘yo, Royal ka pa naman pero lagi mo ‘kong ini-Sprite.Naalala mo pa ba nu’ng pumunta tayo sa Mountain Dew? Sumakay pa nga tayo ng Red Horse at muntik pa tayong tangayin ni Gold Eagle!Buti na lang, nandiyan si San Miguel!Nagmamahal… Tuba [Mac
***


PA­TALASTAS“I did it, Ma!“I played with my boyfriend… I got stinky, I got flirty. We tried and tried, Ma, will we reach the top.“I got pregnant, but see? I learned!“Sorry na, huh?” [Yeng, Ms. Vher, Lhenimy, Dveil 06, Mr. X, Lhadymhae, Ms. Shane, Del ng Limay]
***


There are 8 ways to describe you:Jolly, Optimistic, Kind, Exotic, Lovable, Nice, Gorgeous!In short… J-O-K-E L-A-N-G!
***


GOVERNMENT WARNING:Kissing is dangerous to your health because it’s 5% saliva, 3% acidic, 2% fat and 90% addictive!It can cause SEX.So, kiss moderately! [Leomar ng Caloocan,


***
Ang pag-ibig, parang imburnal.Nakakatakot mahulog. At pag nahulog ka, it’s either by accident or sad­yang tanga ka lang talaga. [Biboy,


***
Our friendship means a lot to me.If you laugh, I laugh. If you cry, I cry.If you jump, I won’t. Instead, I’ll catch you and say, “Friend, why naman jump you? Frog you?”


***
BOYFRIEND: Babe, anong breakfast natin?GIRLFRIEND: Eto, gegs.BOYFRIEND: Anong gegs? Baka eggs?GIRLFRIEND: ‘Yun nga!BOYFRIEND: Hmph!GIRLFRIEND: Inis­krambol ko kasi, eh! [James,


***
Iba’t ibang AMOY ng panty matapos gamitin ng babae nang sampung oras…BANK TELLER: lu­mang peso bills na papalitan naSCHOOL GIRL: Webs­ter Dictionary 1950 editionTINDERA NG ISDA: something fishySM SALESLADY: MegamoyGRO: nicotine, beer at brandy [Pabs Rosas ng Angeles City]